^

PSN Showbiz

Showtime, apektado ‘pag wala si Vice?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Showtime, apektado âpag wala si Vice?!
Vice Ganda
STAR/ File

Nagpaparamdam na ang TAPE, Inc. sa ipinost nila sa kanilang Facebook account na “TAPE, is finally coming back!”

Kasabay nito ay in-announce ang pagkahalal kay Ms. Malou Choa-Fagar bilang President at CEO ng naturang kumpanya.

Nung tinext nga siya ng ka-PEP Troika kong si Noel Ferrer, sinagot niya ito ng, “I am flattered to be given the opportunity to head TAPE Inc. It is my chance to help the employees who were left behind. It will be tough (wala namang madali haha) but by God’s grace, we will make it. Thank you to all my friends and acquain­tances for the  show of their love and support. To God be the glory!”

Hindi talaga madali, at mabigat itong responsibilidad na haharapin ni Ma’am Malou, lalo na’t gusto nilang magbabalik sa ere.

Sabi naman ng ilang napagtanungan ko, naa­yos na nila ang terms of payment sa GMA 7, dahil may mga babayaran pa sila sa Kapuso network.

Kaya may pinag-uusapan na raw na variety/game show na gagawin sa GMA 7. Hindi lang alam kung kailan nila ito sisimulan.

Naka-text ko rin ang legal counsel ng TAPE, Inc. na si Atty. Maggie Abraham-Garduque. Natuwa siyang si Ma’am Malou Fagar ang pinaupong presidente at CEO ng naturang kumpanya.

Samantala, kapansin-pansin pala ang pagbaba ng rating ng It’s Showtime at tila lumipat ang ilang viewers nila sa Eat Bulaga.

Ang sabi ng ibang napagtanungan namin, ilang araw na raw na absent si Vice Ganda dahil nagka-concert ito sa Amerika.

Malaking bagay raw talaga kapag nandun si Vice Ganda na gustong panoorin ng televiewers.

Jon, may utang na loob kay Ruru

Congratulations sa Regal Entertainment sa pagdiriwang ng third anniversary ng Regal Studio Presents sa GMA 7.

Consistent namang mataas ang ratings nito, at ang maganda pa rito nabibigyan ng magagandang programa ang karamihang Sparkle artists.

Sila ang madalas na kinukuhang artista sa bawat episode at dito nakitaan na may karapatan silang magbida sa bawat episode nito.

Bilang bahagi ng selebrasyon ng third anniversary, mapapanood bukas ng hapon ang isang quirky romantic comedy na pagbibidahan nina Jon Lucas at Faith da Silva.

Sa ginanap na media conference nito noong Huwebes sa Valencia Events Place, nakatsikahan namin si Jon na nabigyan ng magandang break sa Black Rider ni Ruru Madrid. Nagpasalamat si Jon sa GMA News Public Affairs dahil sa magandang role na ibinigay sa kanya sa seryeng ‘yun.

Si Jon ang major villain doon at sa tingin niya ay malaking bagay na kasama niya si Ruru rito na kapareho niyang miyembro ng Iglesia ni Cristo.

“Siguro may factor din na nababanggit ni Ruru sa production na kunin ako, isama ako. Hindi ko po sure na gawing kontrabida niya, na gawing second lead. Pero feeling ko nababanggit niya ‘yung pangalan ko. Para tulungan din po ako.

“Kasi nung panahon na ‘yun, may Lolong na siya, nakapag-lead na siya sa mga teleserye. Hinihintay ko ‘yung mga panahon na ‘yun, tapos eto nga, dumating na ‘yung Black Rider, kaya ang sobrang saya po namin.

“Kahit po nung during taping days namin, tinutulungan niya po ako sa lahat na mga eksena namin, gina-guide niya po ako.”

TAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with