Anim na pelikula, binigyan ng age-appropriate rating ng MTRCB
Anim na pelikula ngayong linggo, binigyan ng age-appropriate rating ng MTRCB.
Inanunsyo na naman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang nagpapakita ng kakaibang sining sa paglikha ng pelikula.
Ang Maple Leaf Dreams na tungkol sa pag-ibig at pag-abot ng pangarap ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang).
Ang Bad Genius mula Thailand ay rated PG din at kailangang may kasamang magulang o nakatatanda ang mga edad 12 at pababa.
Para naman sa mga manonood na edad 16 at pataas, swak ang science-fiction na Megalopolis at ang maaksyon na Twilight of the Warriors: Walled In at I, The Executioner.
R-16 din ang The Paradise of Thorns, isang pelikulang sumentro sa pagmamahal, pagtanggap, at karapatan ng nasa LGBT community.
Hinihikayat naman ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang lahat na panoorin ang mga pelikulang tiyak na may angkop na klasipikasyon para sa manonood at kabataan.
“Ang iba’t-ibang pelikula ay binigyan ng angkop na klasipikasyon para maging gabay ng pamilyang Pilipino sa pagpili ng responsableng panonood,” sabi ni Chair Sotto-Antonio.
Nakakatuwa naman ito na talagang may guide ang mga manonood.
Tulad nga sabi ko, sana naman ay sumugod din ang mga manonood sa mga sinehan hindi ‘yung lagi na lang sila nagkakape at nagchi-chikahan.
Hahaha.
Kaloka ngayon ang buhay.
- Latest