Maine walang baby sa tummy, naglalaro na ulit sa perya!
Walang-wala sa hitsura ni Maine Mendoza na magkaka-baby na sila ng mister na actor / politician Rep. Arjo Atayde.
Ang payat niya actually sa ginanap na media launching ng BingoPlus Pinoy Drop Ball noong nakaraang Linggo sa Manila Hyatt Hotel.
Ipinakilala nga ng BingoPlus, ang pinakabagong laro nito – Pinoy Drop Ball na si Maine ang ambassador kung saan siya mismo ang nag-unveil nito kasama ang mga executive ng BingoPlus na sina DigiPlus Interactive Corp. Chairman Eusebio H. Tanco and President of AB Leisure Exponent. Inc, Mr. Jasper Eusebio.
Ang Pinoy Drop Ball ay kabilang na sa lineup ng Bingo, Tongits, at Perya Games. Kapansin-pansin, ang Pinoy Drop Ball ay ang kauna-unahang livestream na drop ball game sa Pilipinas.
Na sabi nga ni Maine ay pamilyar siya sa perya game na Pinoy Drop Ball dahil nga raw sa pagiging probinsyana niya.
“As a brand deeply rooted in Filipino culture, it has been our mission to elevate traditional Pinoy entertainment and bring this experience to the modern age. Like our well-loved Filipino games Bingo Mega, Color Game, and Papula Paputi, Drop Ball promises to reignite your excitement and engage you further in the BingoPlus platform,” said DigiPlus Interactive Corp. Chairman Eusebio H. Tanco during his speech at the grand reveal.
Ito ay sumusunod sa isang set ng payout rules para sa anim na lugar ng pagtaya. Kung ang isang card ay may isang bola, ang mga manlalaro ay makakatanggap ng 2x payout at kung mayroong dalawang bola sa isang card, magkakaroon ng 3x na payout.
Samantala, kung ang tatlong bola ay nag-drop sa isang card, ang laro ay papasok sa isang espesyal na Pachinko round, kung saan ang mga manlalaro ay bibigyan ng shot sa mas malaking reward.
Grabe high tech perya nga.
- Latest