Geraldine, natapos na sa isla babuyan...
Mabilis naka-adjust sa showbiz ang baguhang actress / singer na si Geraldine Jennings.
In fact, hindi niya kailangan ng massive workshop para sa launching movie niyang Isla Babuyan.
Samantalang, sumabak kaagad siya sa kissing scenes sa nasabing pelikula na malapit nang ipalabas sa mga sinehan.
At bukod sa nasabing pelikula, inilunsad din ang kanyang bagong single na If I Will Ever Love Again, composed by Ogie Alcasid.
Actually, jetlag pa ang Irish-British-Filipino actress-singer nang dumalo sa presscon ng bago niyang single at debut film noong Biyernes.
Kagagaling lang umano niya ng London at hiwalay silang dumating ng ‘Pinas ng ever supportive Pinay mom niyang si Gina.
Sa rami at dalas ng biyaheng ginagawa niya, kering-keri ni Geraldine ang pagkangarag between her studies abroad and her showbiz career dito sa Pilipinas.
Mabuti na lang at flexible raw ang pinapasukan niyang University of London, England kaya hindi niya alintana ang pagod ng pagbabalik-balik sa ‘Pinas.
Diin ng Economics and Finance student, “Flexible naman ako. Meron akong university pero super flexible naman. So kung meron akong project, pwede akong umuwi dito sa Pilipinas.”
Labas na nga sa iba’t ibang streaming platforms ang bagong single ni Geraldine na isinulat at kinompose ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid.
Ang If I Will Ever Love Again ay na-release nu’ng nakaraang linggo sa ilalim ng Star Music label.
Banggit ni Geraldine, meron itong music video, kung saan ka-partner niya ang Mister World Philippines 2023 Superbods winner na si Kirk Bondad. Mapapanood ito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.
At ginamit din ang kanta sa debut movie ng showbiz newbie na Isla Babuyan, kung saan leading man niya si Jameson Blake.
Iikot ang kwento ng pelikula kay Anastassia (Geraldine), isang half-Pinay, half-European na dalagang uuwi ng ’Pinas para makasama ang ina.
Dito ay makikilala at maiinlab siya kay Jordan (Jameson), tagapagmana ng isang mayamang pamilya. Kaso, tutol sa relasyon ng dalawa ang madrasta ni Jordan na hindi tanggap si Anastassia.
Kaya gagawin nito ang lahat mapaghiwalay lang sila.
Mula sa direksyon ni Abdel Langit, ang screenplay ng Isla Babuyan ay ginawa ni Jessie Vilabrille mula sa concept ng yumaong business manager ni Geraldine na si Leo Dominguez.
Ayon kay Geraldine, isa ito sa mga huling proyekto ni Leo bago mawala nitong Mayo.
“I’m really grateful but at the same time I’m really sad that Tito Leo Dominguez, he was not able to be here to watch it and to see the launch because it was his last project before he passed away.
“And it was his passion project, Isla Babuyan. So I’m happy but I’m also sad and a bit nostalgic,” malungkot na pahayag pa ng baguhang singer-actress.
Pero kumusta naman ang naging experience niya sa paggawa ng Isla Babuyan?
“Normal, I mean, I know how to kiss, so it was fine. It was okay. You know, it’s just for work.”
At kumusta namang katrabaho si Jameson?
“It’s professional. It’s not weird at all. They’re very interested in whether I’m okay and how I’m doing. They ask if I’m fine, and it’s really comfortable. It’s not awkward at all. And maganda ‘yung chemistry ko kay Jameson sa pelikula. It’s bagay. Actually, yes, it’s good chemistry in the movie, I would say.
“Parang ‘yung character ni Jameson. May crush siya sa akin, pero hindi ko gusto parang ganyan. So, that’s how it goes. And with Paolo, it was just more of hard. Abangan mo na lang. More of like parang revenge but ‘yung character ni Jameson, that’s my love interest sa movie.”
Gumanap naman niyang ina sa pelikula si Lotlot de Leon na aniya ay super professional.
“Yes, very down-to-earth. Tita Lotlot and her whole family are very down-to-earth, humble people. It’s so nice to see in showbiz.”
Meron ba siyang (Lotlot) mga binigay na tips?
“Oo, meron naman. Sinabi niya sa akin, like, you’re not acting. Like, pretend na totoo ‘yung script. What would you do if this actually happened to you? So, you have to pretend talaga.
“Hindi, you have to think in your mind psychologically that it’s real; it’s not fake. What you’re going through. In order to show the audience and to make you all believe in our acting. So, that was her tip of that. It worked, naman, yeah, it worked.”
Pero ano ‘yung pinaka-challenging scene sa pelikula?
“It was dramatic scenes. But I would also say the most challenging was probably swimming on the beach. Kasi ang lamig talaga, ‘yung water parang it was like, siguro were at 11 night, and then we had to go in the water, and it was so cold. Syempre hindi ko pwedeng show ‘yung facial expression na malamig, you know. Parang I have to pretend na hindi malamig. Also, maraming rocks sa ocean, it’s so sharp. So, I would say that, yes,” pahayag pa ni Geraldine sa interview.
- Latest