^

PSN Showbiz

Sosyal...Paolo, nag-unload ng stress sa New Zealand

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sosyal...Paolo, nag-unload ng stress sa New Zealand
Paolo Contis

Ang daming nagtatanong sa amin ng udate sa pelikulang Dear Satan ng Mavx Productions. Hindi na raw ba nila ilalaban sa MTRCB ang desisyon nang pag-X sa pelikulang ito?

Dapat ay ipararating nila ‘yan sa appeals committee sa Malacañang, pero wala na silang ginawa.

Naging abala na sila sa shooting ng pelikulang ConMom nina Paolo Contis, Patrick Garcia, Kaye Abad at Empoy Marquez. At meron din silang binubuong pelikulang kukunan naman sa Chile, kaya hindi na nila naasikaso itong Dear Satan.

Pero may schedule na pala ito sa Netflix sa December.

Hindi na saklaw ng MTRCB ang streaming service, kaya nga kinokontra na ng karamihang filmmakers ang balak na pati ang streaming service ay pakikialaman na ng naturang ahensya.

Sabi naman ng taga-Mavx, okay na raw ‘yung sa Netflix ang Dear Satan. Mas nag-focus na sila ngayon sa post production ng ConMom na isusumite pala nila sa Metro Manila Film Festival.

Tuwang-tuwa si Erwin Blanco, producer ng Mavx sa kinalabasan ng pelikula.

Sana raw mapili ito dahil ang gaan daw panoorin kahit medyo madrama. Comedy/drama ang genre nito na inaasahang piliin sa limang finished films na magsa-submit.

Samantala, si Paolo naman ay tuwang-tuwa sa shooting niya sa New Zealand na kung saan ay nakasama niya sa pelikulang Lost and Found sina Kelley Day at Yuki Sonoda. Si Louie Ignacio ang direktor nito.

Sabi ni Paolo, buti na lang daw at sa New Zealand sila na kahit nagtrabaho raw siya roon, nakapag-relax siya sa mga stress na hinarap niya nitong mga nakaraang araw.

Nag-shoot daw sila sa napakagandang tanawin ng Queensland at tumuloy sila sa Auckland.

First time na mag-work ni Paolo sa 3:16 Media Network ni Len Carillo at natuwa raw siya dahil ang ayos ng kanilang shooting.

Hindi na rin daw niya alam kung ano na ang plano ng Mavx sa Dear Satan niya. Bahala raw si Boss Erwin Blanco ng Mavx sa pelikulang ito.

Kung sa Netflix daw ipalalabas, okay na rin daw sa kanya ‘yun.

Cherry Pie, nag-enjoy kay Alice Guo!

Isa sa magsa-submit ng finished film sa Metro Manila Film Festival ay ang pelikulang Fatherland ni direk Joel Lamangan.

Kuwento ito ng isang anak na gina­gampanan ni Inigo Pascual na hinahanap ang kanyang amang si Allen Dizon.

May pagka-political ang pelikula at mas maraming alam diyan si direk Joel. “Habang hinahanap niya ang tatay niya, nakikita niya ang kondisyon ng bayan, kung gaano kahirap ang mga magsasaka, ang separatismo ng Mindanao, ang mga walang lupang magsasaka, ang problema ng Muslim, ang problema ng mga bakla. Nakita niya lahat ‘yun. Kaya at the end, hindi na siya umuwi.

“It’s a story of father and son, and at the same time tackling the political conditions na nag-suffer ang tatay niya.”

Proud si direk Joel sa pelikulang ito dahil magagaling daw ang mga artista niya.

Bigatin ang major support dito  na kinabibilangan nina Richard Yap, Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral, Ara Mina, Angel Aquino, Max Eigenmann,  Jeric Gonzales, at marami pa.

Si Cherry Pie ang excited sa role niya rito na mala-Alice Guo ang peg. Sila ni Mercedes ang madalas na kaeksena rito at ibang-iba raw ito sa ginagawa nila sa FPJ’s Batang Quiapo. “Ako ‘yung sumusugod, ako ‘yung lumalaban. Masaya! Masarap namang katrabaho si Ched (palayaw ni Mercedes).

“Parang nagtutulungan, nagko-collaborate. Katulad nga ng sabi namin noong storycon, ‘di ba? Ayun, maganda! Masaya!

“Masaya para sa akin, kasi, Chinese iyong karakter ko sa movie, ‘di ba? Kahit ako, natatawa sa sarili ko. Ang saya! Parang Alice Guo, pero mahirap palang mag-Chinese, mag-Fukien,” tsika sa amin ni Cherry Pie.

Mabuti ay meron daw silang Chinese interpreter na siyang nagtuturo sa kanya ng mga Fukien na linya.

Gamay na gamay na raw niya si direk Joel kaya ang ayos lang daw ng shooting nila. “Alam mo naman si Direk Joel, basta gusto niya lang, mabilisan dapat.

“So lahat, attentive. Lahat, on your toes, ‘di ba? So, basta handa ka naman at alam mo ‘yung linya mo, hindi ka rin matataranta.

“Tapos, huwag mo na lang papansinin ‘pag tumatalak. Pabayaan mo lang,” napapangiti niyang kuwento sa amin.

ACTOR

MTRCB

PAOLO CONTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with