^

PSN Showbiz

Bea kumampi kay Sarah, nilaglag si Kyline?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bea kumampi kay Sarah, nilaglag si Kyline?!
Kyline Alcantara, Sarah Lahbati, at Bea Alonzo

Pagkatapos ng pag-unfollow ni Sarah Lahbati kay Kyline Alcantara ay agad namang napansin ng netizens ang pag-unfollow naman ni Bea Alonzo kay Kyline.

Mukhang talagang binantayan ng mga Ma­rites kung sino ang susunod na mag-a-unfollow dahil agad nila itong nakita.

Kaya naman palaisipan sa netizens kung ano kaya ang dahilan ng pag-unfollow nila.

Maaalalang ilang buwan ang nakalipas na makikita ang pagiging close ni Kyline sa kanila kung saan naging madalas ang bonding niya sa mga ito.

Maaaring naging malapit sila dahil na rin sa pinagdaanan nila na kahihiwalay lamang sa mga karelasyon noon, si Sarah kay Richard Gutierrez, si Bea kay Dominic Roque habang si Kyline ay kay Mavy Legaspi.

Sinabi noon ni Kyline na inaalagaan niya ang relasyon sa kanyang mga ate kasama na si Heart Evangelista dahil gusto niyang maging katulad ang mga ito.

Inspirasyon daw niya ang mga ito dahil confident, empowered at alam ng mga ito ang gusto nila. Unshakeable din daw ang mga ito at kilala nila ang sarili nila kaya mahal daw niya ang mga ito.

‘Siz’ pa ang tawag ni Kyline kay Sarah noon at forever little sis na nga raw siya nito.

Biro nga ng netizen ay baka raw kasi may jowa na si Kyline kaya wala na siyang oras sa dalawa na ang tinutukoy ay si Kobe Paras kahit wala pa silang inaamin sa relasyon nila.

Kaya naman iba-ibang ispekulasyon ang netizens sa naganap na pag-unfollow nila. Mukhang mas kumampi raw si Bea kay Sarah dahil mas matagal na raw na magkaibigan ang dalawa kesa kay Kyline.

May iba naman na nagsabing baka promo lang daw ito sa show ni Kyline.

‘Kaloka sila noh.

Ayusin muna nila ang career nila bago sila magda-drama sa social media?

May mga napatunayan na ba sila?

Hahahaha.

Ako pala ang bitter noh.

vuukle comment

ACTRESS

BEA ALONZO

KYLINE ALCANTARA

SARAH LAHBATI

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with