^

PSN Showbiz

Sarah at Kyline, friendship over na?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sarah at Kyline, friendship over na?!
Sarah Lahbati a Kyline Alcantara
STAR/ File

Nag-unfollow

Hindi nakalagpas sa netizens ang pag-unfollow nina Kyline Alcantara at Sarah Lahbati sa Instagram.

Agad ngang napansin ng mga matanglawin na fans na wala na sa following list ng dalawang aktres ang isa’t isa.

Ang huli pa raw interaction ng dalawa ay noong August pa. Nag-post pa raw si Sarah ng Story bilang suporta kay Kyline sa magazine cover nito.

Maaalalang na­ging magkalapit nga ang dalawa sa kasagsagan ng hiwalayan nina Sarah at dating mister nitong si Richard Gutierrez kung saan nagpahayag din ng suporta si Kyline.

Ito rin ang panahong naintriga ring hiwalay na sina Kyline at Mavy Legaspi.

Ayon nga sa netizens ay nagkakasundo raw ang dalawa dahil parehong may problema sa nanay ng kanilang ex na sina Annabelle Rama at Carmina Villarroel.

Sinabi pa noon ni Kyline na totoo ang kanyang relasyon kay Sarah at hindi lang pang-showbiz. Nagkalapit daw sila dahil sa mga karanasan nila sa buhay at iba pang bagay.

Ang connection din daw niya sa nanay nina Zion at Kai ay picture ng sisterhood. Tipikal lang daw silang mag-ate at baby sister na pinapagalitan daw siya nito minsan at ganoon din daw siya roon.

Wala nga raw kaplastikan at sinabing “we keep everything real.”

Sinabi pa niyang forever daw siyang nariyan para kay Sarah.

Pero biglang nagtaka ang fans kung ano nga ang dahilan ng kanilang pag-unfollow sa isa’t isa at friendship over na raw ba talaga ang dalawa?

Nagkaroon pa sila ng ispekulasyon na maaa­ring kay Kyline ang problema dahil nagkaka-issue raw ito sa mga nakakalapit niya.

Ang dami talagang time ng mga marites na laging nakaabang sa mga ganap ng mga artista.

‘Love begets love…’

Dahil siguro tatlo lang ever favorite singers ko, kaya hindi ako nagugulo sa foreign concerts ngayon. Basta for me huwag lang siguro gabi at may tiket ako, watch ko lang sina Martin Nievera, Marco Sison at Mark Bautista.

Talagang solid ako sa three singers na ito kaya kahit sina Bong Revilla at Lani Mercado sinabihan ko na itong tatlo lang ang panonoorin kong concerts.

Love begets love, ipakita mo na mahal mo ako at mamahalin din kita in return. Ganyan dapat ang mantra mo sa buhay.

Huwag mong sayangin ‘yung love mo sa tao na hindi ka naman mahal.

vuukle comment

KYLINE

SARAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with