^

PSN Showbiz

Paolo, sinagot ang mga sinabi ng kanyang Nanay Lolit

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo, sinagot ang mga sinabi ng kanyang Nanay Lolit
Paolo Contis.
STAR/ File

Nasa New Zealand si Paolo Contis, kaya ipinarating namin sa kanya ang mga pahayag ng manager niyang si Lolit Solis na nagtataka ito sa ‘di pa rin siya kinukuha sa mga drama series na ginagawa ng GMA 7.

Sabi ni Nay Lolit, hindi pa raw niya nakausap ang mga bossing ng Kapuso network, pero naniniwala pa rin daw siyang hindi pababayaan ng kanyang home studio ang kanyang alaga.

May ilang taong malapit sa Kapuso actor na nakausap namin na sinasabing dahil wala na rin lang kontrata si Paolo sa GMA 7, pero hina-handle pa rin naman ng Sparkle, mas maganda raw sana kung kukunin ito ni Coco Martin para sa Ang Batang Quiapo. Swak na swak daw ‘yan na maging bagong kontrabida ng Kapamilya Primetime King.

Naka-text namin si Paolo kamakalawa lang na nagsimula nang mag-shoot ng pelikula sa New Zealand.

Natawa siya sa mga sinabi ng kanyang nanay-nanayan.

“Happy naman ako na si Nanay malakas talaga ang tiwala sa akin, at mahal niya ako hahaha!” text niya sa amin.

Sabi naman ni Paolo, masaya sa grupo niya sa Bubble Gang at natutuwa siyang nagkikita sila sa taping tuwing Lunes.

Okay naman daw siya ngayong sunud-sunod ang mga pelikulang ginagawa niya. “Busy ako sa movies na ginagawa ko. So, okay lang na walang serye. Lalo ngayon number 1 movie na naman ang A Journey sa Netflix for 2024. Dun ako masaya. Never naman ako nag-isip ng negative,” dagdag niyang text sa amin.

Natawa rin si Paolo na may binanggit pang aktor si Nay Lolit na ikinumpara kay Paolo.

Mas magaling naman daw ‘di hamak ang alaga niya kesa sa aktor na ito na sunud-sunod ang mga seryeng ginagawa.

Huwag naman daw sabi ni Paolo. Kaibigan daw niya ang aktor na ito.

Ginagawa ni Paolo ang pelikulang Lost and Found sa napakagandang bansa ng New Zealand, kasama si Kelley Day na dinirek ni Louie Ignacio.

Herlene, gusto munang maglinis ng sarili

Nagulat kami na parang lalong gumanda si Herlene Budol nang makatsikahan namin sa nakaraang birthday party ni Sen. Bong Revilla na ginanap sa Cork Elite, BGC noong Miyerkules.

Maaaring kasali siya sa cast ng season 3 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis. Pero sabi ni Herlene, meron daw isang project na inaayos pa, pero bahala na raw ang GMA 7.

Mas gusto raw niyang manahimik  muna ngayon at kung maaari lang ay ayaw daw niyang magpakontrobersyal. “Parang napapagod na rin akong mag-ingay nang mag-ingay, ay hindi joke lang!

“Kumbaga para siguro… ‘yung pag-iingay siguro hindi naman sinasadya, nagkakataon lang, at saka hindi po palaging dapat maingay. Kailangan din magpa-miss, kumbaga,” pakli ni Herlene.

“Hindi naman natin maiwasan ang mga kontrobersya e, kumbaga dadating at dadating sa atin ‘yan, lalo na po sa ating mga influencers saka mga artista po. Talagang hindi natin maiwasan na masangkot tayo sa mga controversial. Kung maaring maiwasan, iiwasan po,” dagdag niyang pahayag.

Sinabi namin sa kanya na gusto raw sana ni Rob Gomez na magka-part two sila ng Magandang Dilag at magtrabaho sila uli. “Why not po. Basta maayos po ‘yung trabaho, malinis,” bulalas niya.

Naintriga kami sa sinabi niyang ‘malinis.’

“Siyempre nahahaluan po tayo ng showbiz topic na kailangan na ‘yun po ang kailangan natin iwasan.

“Mahirap na makipagkaibigan na sobrang dikit na parang nabibigyan ng malisya,” sabi pa niya.

Mas gusto raw muna niyang mag-focus sa sarili, ngayong single siya.

“Ngayon po single na single po ako. ‘Yung first boyfriend ko, masaya na po sa iba, at saka friends naman po kami, pati ‘yung family niya. Ako naman po on my part, parang na-realize ko na dapat mas mahalin ko muna ‘yung sarili ko bago ako magmahal ng ibang tao. So, ngayon po, nasa journey ako ng buhay ko na nagwo-work ako, kumakain ng tama. Tapos, love yourself talaga,” sabi pa ni Herlene Budol.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with