^

PSN Showbiz

Martin, grabe ang nakuhang suporta

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Martin, grabe ang nakuhang suporta
Martin Nievera.
STAR/ File

Grabe ang suporta ng mga kasamahan ni Martin Nievera sa music industry kaya appear sila sa Concert King 42ever – kasama sina Regine Velasquez, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, The Company, KZ Tandingan and TJ Monterde. Iba talaga kung mabuti ang pakitungo mo sa tao, ‘di ba? Bine-bless ka talaga ng kabutihan din.

Nag-iba man ang panahon, iba pa rin talaga ang mga OG! May respeto talaga sa mga katulad ni Martin na magaling na, mabait pa, ‘di ba? Congratulations!

Kathryn, naisahan si Kim

Naligwak si Kim Chiu bilang National Winner for Best Actress sa Asian Academy for Creative Awards – bakit kaya? At naungusan siya sa pagka-National Best Actress ni Kathryn Bernardo for A Very Good Girl – how – magka-level pala ang one time movie at serye?

Pero at least, hindi naman totally luhaan si Kimmy – wagi naman siya bilang Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards!  Go go go Kimmy!

Showbiz kahapon, sabay-sabay

Dahil sabay-sabay ang mga aktibidades kahapon na Sine Sigla Sa Singkwenta feature ng restored Jose Rizal, ang DGPI Pitching at and FDCP Closing ng Film Month pati na ng awarding at kick-off ng Multi-Media Press Society, sobrang aligagey ang mga tao sa coverage.

Puwede bang sa susunod, ‘wag namang magsabay-sabay? Hehe! Tuloy maraming hindi makapaglagare at hindi maka-attend ng events, sayang ‘di ba?

At heto patapos na ang September, pa-last quarter na tayo ng taon!

Parami nang parami na ang lighting of the Christmas Tree at iba’t ibang events. Sa Sine Sigla Sa Singkwenta, sana may extension ng mga sikat at in demand na mga pelikula; at katulad ng Jose Rizal kahapon, sana ganung may interaction sa artists thru a talk back and fan meet and greet din, ‘di ba?

Jeff Canoy, mas bagay sa light docu

Buhay na naman ang ABS-CBN pati na ang docu group dahil sa BINI!

So dyan na talaga nalinya si Jeff Canoy, sa showbiz docung BINI. Mukhang dun na nga mapupunta ang pagpapakwela ni Jeff.

‘Wag na siyang mag-hard news. Ok siyang kapatid ni Master Hanz din kasi, ‘di ba, magkalook-alike sila?

Nakakataquote:

“I really appreciate working with veterans kasi talagang makikita mo kung gaano sila ka-professional. Ready silang dumarating sa set, walang kaarte-arte.”

“Lumaki ako sa ganun, lumaki ako sa ganung environment. Ito ‘yung environment ko.” – Judy Ann Santos on the star-studded cast of Espantaho

vuukle comment

KZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with