^

PSN Showbiz

Contract sa GMA expired na...Lolit Solis, takang-taka pa rin kung ba’t walang sariling bahay si Paolo

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Contract sa GMA expired na...Lolit Solis, takang-taka pa rin kung ba�t walang sariling bahay si Paolo
Paolo Contis at Lolit Solis

Pinagdiinan ni Nay Lolit Solis na mahal niya ang GMA pero takang-taka pa rin siya kung bakit hindi nabibigyan ng regular show ang alaga niyang Paolo Contis.

“Ang nagtataka ako sana kung si Paolo Contis walang talent, ‘yung alam mong walang talent, alam mong unprofessional. Papayag naman ako, I  mean i-overlook siya, ganyan. Pero, alam naman natin talented si Paolo. Very professional naman. Wala akong naririnig na nagko-complain sa kanya.

“Pero bakit parang lahat ng lumalabas na mga bagong serye, wala si Paolo. Doon lang ako nagtataka. E compared naman sa ibang artistang nilalabas na bida sa mga seryeng ‘yun, ilalaban ko naman si Paolo anytime. Pero mahal ko ang GMA ha,” paglilinaw ni Nay Lolit noong isang araw.

Pero hindi pa raw niya kinakausap ang GMA management dahil umaasa siyang mapapansin si Paolo on his own merit kumbaga,

“Oo, hindi ko pa kinausap. Kasi desisyon naman nila ‘yan, artista nila si Paolo eh.”

I left my Heart at Sorsogon with Heart Evangelista pa ang huling teleserye ni Paolo. Sa kasalukuyan ay regular siyang napapanood sa Bubble Gang.

Pero may contract pa ba siya sa Sparkle, talent arm ng GMA Network? Katatapos lang daw ng contract ni Paolo sa Kapuso Network.

Anong reaction niya sa mga nagsasabi na kasi laos na raw si Paolo?  “Hoy! Kahit anong sabihin n’yo, kung kay R (may binanggit siyang pangalan ng actor) lang, mas sikat pa rin si Paolo Contis.”

Talaga?  “Oo. Bakit kung kay R lang mas mahusay na artista si Paolo Contis ah.”

Anyway, chika rin ni Nay Lolit na gustung-gusto niya nang magkaroon ng sariling bahay si Paolo.

Kasalukuyang nakatira sa Rockwell si Paolo, pero sabi ni Nay Lolit, rental lang ‘yun.

“‘Yun ang isa lang sa parang disappointment ko as manager. Kasi alam mo, tuwang-tuwa ako nung si Tonton Gutierrez at si Alfred Vargas, nakabili ng bahay.”

Hanggang nag-throwback siya nang gawin siyang guarantor nina Tonton at Alfred sa kanilang housing loan sa bangko.

“Isang malaking-malaking pagkakasala ko sa buhay, nag-sign ako as guarantor. Gina-guarantee ko ‘yung mga utang nila. Day nung magwi-withdraw na ako ng pera sa bangko, naka-freeze pala lahat ng pera ko dahil dun.

“Kaya nga, hindi ako pwedeng mag-issue ng tseke lagpas dun sa balanse nung loan niya.”

Pero ginantihan niya raw ang dalawang alagang aktor.

“Ito naman ang ganti ko sa kanila. Nakabayad na silang dalawa, kinukuha nila ‘yung mga papeles nila. Ayaw i-release ng bangko habang wala akong go signal. Kaya kahit na anong ligaw ang ginawa nung dalawa, ‘naku hindi maghintay kayo ‘no.’

“Sabi ko talaga, kung kelan ako may time. Saka ‘pag nagpunta ako run, saka ko pipirmahan.”

At tuwang-tuwa raw siya dahil kahit ganun, talagang sinikap nilang magkaroon ng sariling bahay.

“Alam mo, sa isang manager kasi gusto mo naman makitang maganda ‘yung buhay ng mga alaga mo. ‘Yun ang parang disappointment ko kay Paolo kasi ang dami... bata pa si Paolo artista na. Bakit hanggang ngayon wala pa siyang sariling bahay.

“Jusko! Nakaloka siya ‘no. ‘Di ba  dapat ngayon meron na sana siyang bahay sa Rockwell.”

Pero hindi raw sila nagkakausap ni Paolo dahil ang tagal nitong sumagot tuwing tatawagan mo at kasalukuyan diumano itong nasa Switzerland.

Pakiramdam din Nay Lolit ay sina Paolo at Yen Santos pa rin na napabalitang nag-split months ago.

 

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with