^

PSN Showbiz

Donbelle may ‘Red Flag!’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Donbelle may �Red Flag!�
Donny Pangilinan at Belle Mariano

Trending agad ang DonBelle.

Tagos nga ang kilig ng fans sa handog nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa inaabangang Viu original series na How to Spot a Red Flag mula sa partnership ng ABS-CBN at Viu, at sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment.

Na-excite nga ang fans sa teaser na pinost online matapos opisyal nang inanunsyo ng DonBelle ang title at logo ng serye sa isang story conference at script reading na ginanap noong isang araw (Setyembre 25).

Makakasama sa light romantic drama sina Jameson Blake, Angel Aquino, Christian Vasquez, Benjie Paras, Mylene Dizon, Esnyr, at Kira Balinger. Pangungunahan ito ng batikang direktor na si Dwein Baltazar.

Iikot ang kwento ng How to Spot a Red Flag sa isang matapang na barista (Belle) na mahuhumaling sa isang aroganteng bad boy (Jameson) at sa isang cute na good boy (Donny). Makakahanap pa kaya siya ng real love kapag nalaman niyang magkasabwat pala ang dalawang lalake sa panloloko sa kanya?

Ang How to Spot a Red Flag ay ang unang Viu original series na local na gagawin ng ABS-CBN at Viu pagkatapos ng matagumpay nilang partnerships para sa mga Philippine adaptations na The Broken Marriage Vow, Flower of Evil, at What’s Wrong with Secretary Kim.

vuukle comment

DONNY PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with