^

PSN Showbiz

Chloe, sinusumbatan sa ‘utang na loob’ culture

Pilipino Star Ngayon
Chloe, sinusumbatan sa ‘utang na loob’ culture
Chloe San Jose

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos si Carlos Yulo at ang kanyang pamilya. At tila mas abala nga raw ang Paris Olympic double gold medalist sa kanilang page-explore ng karelasyong si Chloe San Jose.

Ito ay dahil after Paris ay bumiyahe sila sa South Korea. “Dear Seoul, you had us at annyeonghaseyo,” ayon sa post ng star wannabe.

Pero umamin ang content creator na si Chloe na apektado at nasasaktan siya sa mga natatanggap na panghuhusga.

Bagama’t dama raw niya ang nararamdaman ni Caloy dahil naranasan niya rin ang ganito.  “Yeah, family first pero family should be the first ones also na sinusuportahan ka, pinoprotektahan ka. So why is it the opposite? Sila ‘yung na­ngunang mag-down sa ‘yo, sila ‘yung unang hindi naniwala sa ‘yo,” pahayag niya kay Toni Gonzaga sa YT show nito na Toni Talks.

“So parang sa akin po, hindi po nagtutugma sa akin ‘yung ‘family first dapat. So, family first should be the first ones to love you and support you unconditionally,” mahaba nitong komento tungkol sa matinding away ng pamilya ng karelasyon.

Bagama’t sinasabi ni Carlos na nagkamali siya, aniya ay napatawad na niya ang mga ito, “Basta ako, alam ko po sa sarili ko, sa puso ko na napatawad ko sila and inamin ko sa sarili ko na nagkamali ako.

“Kinarma na ako kasi mali nga naman na sagutin mo sila ng ganu’n, na, siyempre emosyonal ka na po, eh. Gusto mo ipaglaban yung sarili mo and ‘yung relationship niyo.

“Alam ko kung ano yung mali ko, tinanggap ko yun, ipinagdasal ko yun kay Lord, humingi ako ng tawad.”

Of course may reaction diyan ang netizens. Kung totoong napatawad na raw niya ang pamilya, kausapin na niya ang mga ito ang i-share ang mga natanggap niyang blessings matapos ang pagkapanalo ng dalawang gintong medalya sa Paris.

Pero ‘yun nga hindi nakakalimutan ng netizen ang diu­mano’y sinabi ni Chloe : “Gustung-gusto ko pong mawala na ang ‘utang na loob’ culture dito sa Pilipinas dahil sobrang toxic po nito. Hindi po porket ipinagbuntis ka ng 9 na months, pinakain, pinagaral, at pinagtapos ay obligasyon mo na agad tumanaw ng utang na loob sa parents mo.”

Hayyss.

CARLOS YULO

CHLOE SAN JOSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with