Maple Leaf nina Kira at LA, ipalalabas sa Canada
Mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Maple Leaf Dreams na 80% ng mga eksena ay shinoot sa popular spots sa Canada – Niagara Falls, CN Tower, Kensington Market, Eaton Center and downtown Toronto – umpisa sa Sept. 25.
Pangunahing karakter sina Molly at Macky na ginagampanan ng Star Magic artists na sina Kira Balinger at LA Santos (a.k.a. KirLA). Ang pelikula ay idinirek ni Benedict Mique na nasa likod ng hit Netflix film na Lolo and the Kid.
At hindi lang ito sa Pilipinas mapapanood, simula sa Sept. 27, ipalalabas din ito sa Canada –Toronto, Winnipeg, Calgary, Edmonton, at Vancouver.
Ito ang unang pagkakataon na ang isang independently produced Filipino film ay ipalabas sa maraming lugar sa Canada.
“I would say it is a wide release in Canada because the chosen locations are typically targeted to play Filipino films,” said Roselle T. Lorenzo of Robe Entertainment.
Sa kwentong isinulat nina Benedict Mique at Hannah Cruz, ginampanan nina Kira at LA sina Molly at Macky, isang mag-asawang lumipat sa Toronto para maghanap ng mas magandang trabaho. Kasabay nito, nakakaranas sila ng mga personal, professional and cultural challenges na sumusubok sa kanilang desisyon at relasyon.
Filming in Canada for several weeks opened the eyes and hearts of Kira and LA to the beauty of the Great White North, and the real situation of Canada-based Pinoys. “Kahit maganda na ‘yung buhay ng mga kababayan natin doon, lagi pa rin nilang sinasabi sa amin na mas gusto pa rin nila sa Pilipinas,” revealed LA kaya talaga raw malalim ang tama nito sa kanilang.
At bilang mag-asawa, nagkaroon din sina Kira at LA ng kissing scenes dito.
Anong naramdaman mo nung first kiss ninyo?
“Kaba syempre, my ghad! Kagaya ng sinabi ko kanina, I was not prepared for that. Pero ayun nga sabi ni Direk eh eme. Pero it was part of the script, so ayun nga ulit, I’m happy that LA was my partner. I trust him, and we took it like a jam, so he did not take advantage of any of those scenes, so ayun,” banggit ni Kira.
Sagot naman ni LA : “Ako personally po, hindi lang naman kay Kira, sa lahat ng mga nakakatrabaho ko talaga I’m very very respectful sa mga tao po. Saka very respectful ako sa privacy nila, sa gusto nila sa buhay. Never ako nag-judge sa tao kaya I did my best to make Kira comfortable po. Saka ako rin naman talaga ganun akong tao po. I’m doing my best po na maging safe at maging happy ‘yung mga mahal ko sa buhay.”
Sa totoong buhay, ano bang relasyon nila?
“Marami po silang sinasabi so it’s up to you guys,” mabilis na sagot ni Kira.
“Yeah, saka kami naman ni Kira what you see is what you get talaga kami. Gusto ko rin talaga si Kira mag-grow pa as an artist, as herself. Saka ako hindi ko pinipilit ‘yung mga relationship na ganyan. Lalo na syempre ako nirerespeto ko si Kira kaya ako nandito lang ako palagi para sa kanya,” katwiran naman ni LA.
Anyway, the film has created anticipation among Fil-Canadian communities. “They are very excited to watch because this is their story,” dagdag ni Ms. Roselle. “A lot of Filipinos still miss home and watching a Filipino film is their way of connecting to the Philippines,” Roselle underscored.
Nauna nang nagkaroon ng advance screening ang Maple Leaf Dreams at pawang papuri ang natanggap ng pelikula lalo na sa powerful performances ng mga bida niya, dahil ramdam ng mga nanood ang mensahe nito.
Naipadama na kailangan mong ilaban ang iyong relasyon, paano maging Pinoy sa ibang bansa at gaano kahirap ang maging OFW.
Komento rin ng ilang mga nakapanood na :
“Hindi siya typical love story. Survival ito paano lumaban sa isang relationship, paano maging Pilipino sa ibang bansa, at paano maging mahirap,” ayon sa upcoming actor na si Mac Manicad.
“Ang ganda! Thumbs up! Walang filter na buhay ng mga OFW,” described Wattpad writers Lala Flores, Demi Chan and JosevfTheGreat.
“Na-tackle ang different aspects like family, love, relationships and OFW issues. It gives so much insight,” sabi naman ni Andy Krishane Garcia, Andrea Christina Book, Samantha Mayor, Lorenzo Pardiñas, Kyle Binasa of the Ateneo Film Organization.
Director Avel Sunpongco said “Nafeel ko ‘yung struggles ng mga mahal natin sa buhay. The movie gives us a lot of hope para sa atin. Laban lang! Bangon lang!”
Dumalo naman sa celebrity red carpet premiere at Gateway Cinema 12 last Sept. 20 and family and friends of the cast and production tulad nina Janella Salvador, Jameson Blake, Gillian Vicencio, Ogie Diaz, Mama Loi, and many more.
Ito ay produced ng 7K Entertainment, Lonewolf Films and ABS-CBN’s Star Magic, and distributed by Quantum Films in the Philippines and Robe Entertainment in Canada.
- Latest