^

PSN Showbiz

Franseth, magpapaka- mature na!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Franseth, magpapaka- mature na!
Seth Fedelin at Francine Diaz.
STAR/ File

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkatambal sina Francine Diaz at Seth Fedelin sa isang pelikula. Magbibida ang tambalang FranSeth sa My Future You na malapit nang mapanood sa mga sinehan. Sinisiguro nina Francine at Seth na talagang ikatutuwa ng kanilang mga tagahanga ang bagong proyekto. “Excited na kinakabahan, excited kami and siyempre para mapanood na rin ng mga supporters namin ang lahat ng pinaghirapan namin para sa kanila. We did this with love and passion,” nakangiting bungad ni Francine sa ABS-CBN News.

“Sobrang excited, sobrang natutuwa and natural kinakabahan. Pero ‘yung kaba na ‘yon healthy naman siya kumbaga. Excited talaga kami, ‘yung family namin, friends namin, mga tao sa paligid namin sobrang excited rin kaya let’s go,” dagdag naman ni Seth.

Ayon sa FranSeth ay talagang kaabang-abang ang bawat eksena na kanilang ginawa sa My Future You. Ibang-iba ang tema ng istorya nito kumpara sa mga seryeng nagawa ng dalawa noon. “Dito po sa movie namin, hindi lang po siya pa-sweet talaga. Hindi kami nag-focus sa kung ano lang ang kilig na mayroon kami. Marami siyang mata-tackle na story about sa family, sa sarili po and of course sa special someone. Para po sa akin siguro, isa sa aabangan n’yo kami siguro mas mature version na hindi na talaga siya para maglaro ng characters,” pagbabahagi ni Francine.

Joshlia movie, halos P500 milyon na

Pumatok nang husto sa takilya ang pelikulang Un/Happy for You na pinagbidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Tinatayang nasa P500 million na ang kinita ng naturang pelikula dahil naipalabas din sa iba’t ibang panig ng mundo. Kung mabibigyan ng pagkataon ay gusto muling makatambal ng aktor si Julia sa susunod na proyekto. “Sana hindi ito ang huli na pelikula. Gusto mo pa ba? Gusto ko magpasalamat sa iyo. Thank you for doing this whole journey with me. Hindi mo ako iniwan, magkasama tayo sa laban na ito. Maraming salamat and hopefully this is not our last,” mensahe ni Joshua kay Julia.

“Oo naman. Thank you, Josh for this super crazy experience. But I feel like hindi natin malalampasan ‘yon kung hindi tayo nagtulungan. Thank you also for being open. Thank you for being present and patient,” sagot naman ni Julia sa aktor.

Malaki rin ang pasasalamat ng JoshLia sa direktor ng pelikula na si Petersen Vargas. Palagi umanong tinutulungan ng direktor ang dalawa lalo na sa mga eksenang mahirap gawin. “Thank you so much, Direk P, because you created a safe space for Joshua and I. Siyempre hindi naging madali ito para sa aming dalawa but you made a safe space and you made it like we can trust you. We can be honest with you and you never judged us. ‘Pag nahihirapan kami, hinahawakan mo ‘yung ka­­­­may namin para lang magawa namin ‘yung eksena. Thank you for not gi­­­­­­v­ing up on us,” paglalahad ng aktres.

“Salamat sa pagiging kaibigan namin. Salamat sa pagiging open mo sa amin, sa tiwala at paggabay,” dagdag naman ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

FRANSETH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with