Aktor at direktor na muntik mag-umbagan, bantay-sarado na!
Pagkatapos pala ng muntikan nang suntukan nina guwapong aktor at ng direktor ng soap na ginagawa nila, hindi na talaga pala sila pinagtagpo.
Nagtataka ang ibang staff bakit ganun na lang daw ang galit ni guwapong aktor dito kay direk kung nag-comment lang naman itong si aktor na ang magdirek pagkatapos nitong mag-adlib sa ilang eksena.
Ang sabi ng ibang nakaalam sa kuwento, may pinanggalingan daw itong galit ng aktor.
May pagkataklesa raw si direk na nakaranas daw itong si aktor ng talas ng dila ni direk.
Maaaring naipon na raw ito at sumabog na lang doon sa taping, dahil mukhang wala rin daw sa mood itong si aktor nung araw na ‘yun.
Ilang araw na rin naman ay matatapos na ang kanilang taping, kaya tinitiyak ng production staff na hindi sila magtagpo sa taping.
Patuloy pa rin pala sa pagdidirek sa second unit ng teleseryeng ito. Basta wala lang eksena sa kanya si guwapong aktor.
Mother Lily, may naiwang tatlong pelikula
Tatlong pelikula ang inilunsad ng Regal Entertainment, Inc. kasabay ng pagdiriwang ng 60th anniversary ng naturang film production.
Ito ang highlight sa selebrasyon na ginanap sa Valencia Events Place noong Sabado ng hapon.
Ang mag-inang Roselle at Keith Monteverde na ang namamahala na ng Regal Entertainmet, Inc. at hindi naman masasabing ibang-iba na sa dating pamamalakad ng namayapang Regal matriarch, dahil ipagpatuloy pa rin daw nila ang mga sinimulan ni Mother Lily.
Bahagi ng welcome speech ni Roselle, “On behalf of Regal Entertainment, Inc., my siblings with my brother Dondon, of course with my sister Sherida Monteverde-Tan, Goldwyn Monteverde, we are strongly decided to carry on, of course not only her works, but really her action, the legacy of Mother Lily.
“We cannot just see it go away seeds had been planted since she entered as the housewife in the entertainment industry for more than 60 years.”
Nasaksihan naman ng buong movie industry kung paano mapangalagaan ni Mother Lily ang industriyang ito.
Kaya pangako ni Roselle, ipagpatuloy pa rin nila itong lahat na ginagawa ni Mother Lily sa buong entertainment industry.
“She fought for the industry many times. Lagi niyang sinasabi, hindi dapat pabayaan ang pelikulang Pilipino, ang industriyang Pilipino. She nurtured this with dedication, love, compassion, until her achievements become deeply rooted in a lot of people’s lives.
“My siblings and the key people here in Regal, together, are here to serve the industry and the Filipino audience worldwide. We will uphold to this day, moving forward our commitment as great as what was planted to continue the legacy of Mother Lily.
“Ito ang pamilya niya, ang itinaguyod talaga ni Mother… ito ang pamilya niya sa movie industry.
“Hindi lang ang Regal ang itinaguyod niya, itinaguyod niya ang pelikulang Pilipino.
“Kaya nagpapasalamat ako siyempre sa aking mga magulang Leonardo and Lily Monteverde, kasi lagi niyang sinasabi, kayo ang kanyang pamilya.
“We will continuously support each other, and make not only Regal but all entertainment industry live on forever. This is the great Mother Lily legacy, and this is now her Regal legacy,” sabi pa ni Roselle Monteverde.
Si Keith ang nagbanggit ng tatlong pelikulang aabangan sa Regal.
Unang in-announce ang pelikulang Guilty Pleasure na co-production ng film production ni Lovi Poe na C’est Lovi Productions na pagbibidahan niya kasama sina Jameson Blake, Dustin Yu at iba pang Regal stars.
Sa Oct. 16 na ang showing nito.
Ang isa pa ay ang launching film ng FranSeth loveteam nina Francine Diaz at Seth Fedelin, na My Future You.
Excited kaming lahat sa horror film na Untold, na first movie ni Jodi Sta. Maria sa Regal.
Ito ang finished film na isusumite nila sa 50th Metro Manila Film Festival. Sa Sept. 30 pa ang deadline ng submission sa MMFF, at ihahabol nila ito.
Tiyak na ipapasok daw nila ang entry ng Regal, alang-alang na lang kay Mother Lily at dapat naman na merong Regal movie sa 50th year ng MMFF.
Ilang taon nang naiisnab ang Regal na entry, kaya tinanong namin si Roselle kung ano ang mararamdaman niya kung sakaling dedmahin sila uli.
“Of course we look forward every time sa MMFF ‘di ba? Pero definitely, we’re here naman always to produce a quality movie ‘di ba? So, ‘yun naman hindi kami nagfi-fail sa paggawa nu’n. To always produce a quality movie anytime of the year,” safe na sagot pa ni Roselle sa amin.
Kasabay ng pagdiriwang ng 60th anniversary ng Regal, nagbigay sila ng isang milyong pisong donasyon sa Mowelfund, na ilang beses nang ginawa ni Mother Lily noon.
- Latest