Dimples, aminadong may ‘lucky ghost’ sa kanilang bahay
Wala pa ring sariling driver si Dimples Romana kahit na nga ang dami niya talagang labada (raket).
Sino-solo niya raw niya ang pagmamaneho ng kanyang sasakyan. Wala rin daw siyang personal assistant o anumang staff ‘pag pumupunta siya sa shooting or taping.
‘Yun din ay kahit may tatlo siyang anak na aniya ay magkakaibang henerasyon. “Yup, sa rami nga ng trabaho... Wala na po ako sa huwisyo eh kasi ‘yung mga anak ko po ay magkakaibang henerasyon - 20 po si Cal, 9 si Alonzo, 2 po si Elio. So you’re talking to three mothers,” chika ni Dimples nang makausap namin sa shooting ng pelikulang Caretakers na pinagbibidahan nila ni Iza Calzado.
Minsan nga raw nakalaro ng wife ni Direk Lino Cayetano (ng Rein Entertainment na producer ng Caretakers ), Fil, sabi raw ng volleyball star sa kanya “Mommy, papayat ka kay Elio. Kasi 20 kilos ‘yung bata.”
At heto pa, bukod sa wala siyang driver, very minimal din daw ang ‘angels’ niya sa bahay.
“We only have very minimal home angels. We only have Ate Vi, who stays at home. Ate Annie, who’s the wife of the foreman. I have no driver. So I will tell you po, when I tell you that hands-on kami ng asawa ko (Boyet Ahmee) hands-on talaga kami,” sabi pa ng actress na bibilib ka rin kung paano pa nila naaasikaso ang marami nilang negosyo ng kanyang mister.
Kaya naman minsan sa pagmamadali niyang umuwi, nakalimutan niyang magtanggal ng prosthetics.
Pero lagi niyang iniisip na isang paraan din ‘yun para hindi lumaki ang ulo niya bilang artista ng halos tatlong dekada na. “Dahil sa tagal kong nag-aartista, inisip ko talaga, paano ba hindi papasok sa ulo ko ito? Kasi baka may tendency ako maging ganun dahil ang tagal ko nang nag-aartista.
“Ako lang kasi, ayaw ko sanang mangyari sa akin ‘yun. So parang ang defense mechanism ko, to fix myself and make sure grounded ako palagi, is to do the work that’s not necessarily supposed to be my work. So when I drive, that’s when I remember, bakit dati nung nag-Revo ako rin naman nagda-drive, it’s part of my work.
“Ngayon kung hindi ko na kayang gawin ‘yun, tumigil na ako. Kasi ibig sabihin, hindi ko na kaya ‘yung trabaho,” paliwanag niya tungkol sa pagmu-multitasking.
Kaya naman minsan hindi niya natanggal ang prothetics. “May prosthetics kami, kami nila Jerrold Tarog. Ako, Kathryn Bernardo, Louise delos Reyes, and Julia Clarete. Ito na, ‘di ba parang witches (Lighthouse) kami tapos inaano namin sila parang niyayakap namin sila. Agnas-agnas ‘yung mukha ko. Nakalimutan kong magtanggal, kasi nagmamadali ako. Pagdating ko sa bahay namin syempre may mirror ‘di ba. Pagpasok ko sa banyo natakot ako kala ko mamamatay ako sa heart attack kaya sabi ko, ay ako pala ‘yun. Baka mamaya may maatake pa ng puso, kasalanan ko pa kasi hindi ko naman—‘pag nanggagaling ako ng byahe tinataas ko ‘yung rear view natatakot kasi ako. ‘Di ba uso ‘yung mga kwento. So, hangga’t maaari— pagdating ko sa bahay, agnas ‘yung mukha ko. Tapos, natawa na lang ako kasi sa loob-loob ko, grabe po talaga. Ang tindi ng pangangailangan ko pala talaga,” pagbabalik tanaw pa niya sa naging karanasan niya dahil sa kangaragan.
Pero may real ghost story na ba siya?
“Yes. One is in Australia. Nag-shoot kami nila Piolo (Pascual) at nila Angel (Locsin)...”
Sosyal ng ghost story mo, sa Australia?
“Pero may ghost story din ako sa bahay namin.
“Ito na nga lang sa bahay namin. Ito nakakatakot talaga. Sa OG (original) house namin, ‘yung original home, doon pa rin po kasi kami nakatira. So, kahit nakakabili kami ng bahay or property ng asawa ko, we stay in the OG home because we really talked about it and we want our kids to live kung saan kami nagsimula. So, pinupuntahan lang namin ‘yung ibang bahay, ibang condo, pero andun pa rin kami nakatira.
“Kasi ‘yung mga anak ko, wala silang alam. Sabi nung nagpu-feng shui, dati kay Malou Santos, meron daw kaming alaga sa bahay. So, ako naman, naniniwala ako kasi very buenas, happy din kami sa bahay, okay kami, tsaka grabe ‘yung work, grabe rin ‘yung buhos,” umpisa ng kuwento niya.
“Eto na, nung isang gabi, sabi nung kasama namin sa bahay, si Mary Joy, ‘ayoko, Elio, ayoko,’ sabi ni Elio. Iyong bahay namin, bungalow siya, pero merong attic. So, ‘pag umangat kang ganyan kita mo may attic.
“So, ‘pag nasa taas ka, tumingin ka pababa kita mo rin ‘yung nasa baba. 11:45 ito, ‘Elio, ayoko, ano ba ayoko,’ sabi ni Mary Joy. Kausap niya two year old. Sabi ko, Mary Joy, ano bang nangyayari. Miss, kasi si Elio po kinukuha ‘yung kamay ko tapos magha-hide daw po kami sa taas,” kaya pakiramdam niya may nakikita ang kanyang anak sa kanilang bahay.
“So, ayun na, sabi niya, magha-hide raw. So si Elio, minsan naglalaro siya nakaganun siya (nakatingala). Iyan ang ghost story ko,” kuwento pa sa amin ni Dimples na first time makakatrabaho si Iza sa Caretakers.
Anyway, napaisip naman siya na sa rami ng nakatrabaho niya, first project nila ito ni Iza.
“Baka hinihintay din ‘yung time na naging Mommy si Iza. Naniniwala kasi ako sa perfect timing. I think it really matters now na nagkatrabaho kami. Perfect timing kami ni Iza magka-work kasi hinog ‘yung pagtatrabaho namin. Akmang-akma dun sa mga roles na pini-play namin ngayon – magkapatid na mag-aaway sa isang ari-arian.
Anyway, wala pang idea si Dimples kung kailan ipalalabas sa mga sinehan ang Caretakers, pero definitely hindi raw ito pang-Metro Manila Film Festival.
- Latest