^

PSN Showbiz

Iza, sineseryoso ang usapang sexual harassment

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Iza, sineseryoso ang usapang sexual harassment
Iza Calzado

Seryoso ang topic na sexual harassment na nangyayari sa showbiz at hina-handle ito nang mabuti ng grupong AKTOR Ph na pinangungunahan ni Dingdong Dantes.

Isa sa mga opisyal ng grupong ito ng mga artista ay si Iza Calzado na nakapanayam namin kamakailan lang sa set ng pelikulang Caretakers na pinagsamahan nila ni Dimples Romana.

Bilang active pa rin si Iza sa She Talks Asia, napapag-usapan nila ang sexual harassment na nararanasan ng mga kababaihan.

Pero sa ngayon hindi lang mga babae, kundi naglabasan na rin ang ilang kalalakihan na nakaranas ng panghahalay nung kabataan nila.

Naungkat ito lahat dahil sa paglantad ni Sandro Muhlach na kinasuhan ng Rape through Sexual Assault ang dalawang writer at direktor na sina Richard Cruz at Jojo Nones.

Sabi ni Iza, may na-discuss daw silang ganitong kaso sa grupo nilang AKTOR, pero ayaw na niya itong pag-usapan.

Hindi naman daw nila mapakialaman itong sa kaso ni Sandro dahil hindi pala miyembro ng naturang samahan ang anak ni Niño Muhlach.

Ani Iza, “We actually recently did a very intimate conversation sa She Talks Asia on I guess sexual violence and it composed no gender. Very intimate conversation.

“I just you know… I just wish again peace for everyone.

“We treat these things seriously ‘pag may… though we have before but I will not talk about it na parang you some incidents have come to surface and we tried to address them. We give them space, ‘yun lang. ‘Yun lang talaga ‘yung part ng responsibility namin. And we will always take, you know these things seriously.

“Sandro is not with AKTOR, so you know, hindi na kami para manghimasok nung nangyayari ito ‘no? Unless, of course we are asked to. But we take these things seriously.”

Isa sa AKTOR ang pinagkaabalahan ni Iza, pero bukod sa Caretakers ay may dalawa pa pala siyang pelikulang tinatapos, at naisisingit pa niya ang stageplay. Ito ‘yung Tiny Beautiful Things na sisimulan niya sa November.

LA at Kira, mas nauna kina Alden at Kathryn sa Maple Leaf…

Proud ang direktor ng pelikulang Maple Leaf Dreams na si Benedict Mique dahil maganda ang feedback sa dalawang bidang artista niya sa pelikulang ito na sina LA Santos at Kira Balinger.

Kasali itong Maple Leaf Dreams sa Sinag Maynila at sa kategoryang Best Actor ay na-nominate si LA kasama sina Ronnie Lazaro at Tony Labrusca. Si Ronnie Lazaro naman daw ang nakatalo kay LA kaya wala silang reklamo.

Si Kira naman ang tanging nakalaban ni Rebecca Chuaunsu na siyang nagwaging Best Actress. Kaya ang laking achievement na raw ito sa dalawang bida ng pelikulang ito.

Nakatakda na ngayong ipalabas sa mga sinehan ang Maple Leaf Dreams sa Sept. 25. At sana ay tangkilikin daw ito ng mga manonood na tiyak na makaka-relate ang halos lahat dahil tumatalakay ito sa mga kababayan nating nakipagsapalaran ng buhay nila sa Canada.

Hindi ganun kadali ang pinagdaanan ng mga OFW sa Canada.

May mga kababayan nating umarte at nagbahagi ng kuwento nila rito sa pelikula.

“We try to mix reality, and we want to be as real as possible. So, we got some of the people there na totoo, and they acted well naman surprisingly.

“It’s their story e. Nung nakita nila ‘yung script, nabasa nila… actually marami sa kanila ang na-touch,” pakli ni direk Benedict Mique.

Parang ganito rin ang tinatalakay sa kuwento ng reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Again, at inunahan na ito ng Maple Leaf Dreams.

“Ako siguro, sobrang happy ako na masasabi kong nag-Canada kami nina Alden at saka ni Ms. Kathryn.

“I’m very happy na mabanggit lang na kasama sila at sobrang blessing naman talaga ‘yung makapunta sa Canada,” reaksyon ni LA Santos.

Sabi naman ni Kira, “Para sa akin I believe that every OFW story is different. I mean, we may have the same location po as Hello, Love, Again. Pero malay po natin baka na magiging sad ‘yung ending nila, sa amin happy. I believe that every OFW story deserves to be told and that they are all different.”

Ang lakas din ng suporta rito ng mga magagaling na veteran actors kagaya nina Ricky Davao, Joey Marquez, Snooky Serna, Malou Crisologo at magpo-focus na rin sa pag-aartista ang Miss International 2013 na si Bea Rose Santiago.

IZA CALZADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with