^

PSN Showbiz

Ahwel at Jhai Ho, didiskubrehin ang raket ng mga artista

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ahwel at Jhai Ho, didiskubrehin ang raket ng mga artista
Ahwel Paz at Jhai Ho

Nagsasanib-pwersa muli sina Ahwel Paz at Jhai Ho para ihatid ang mga maiinit na balita mula sa mundo ng showbiz, pati na rin ang mga kwento tungkol sa iba’t ibang side hustles o raket ng mga artista sa Showbiz Sidelines.

Layunin ng Showbiz Sidelines, na umeere tuwing Lunes hanggang Biyernes 9:00 ng gabi sa Radyo 630 at napapanood sa Teleradyo Serbisyo sa TV, na bigyan ang viewers ng ‘showbiz chika’ at ‘showbiz kita,’ ayon kina Ahwel at Jhai Ho.

“Para magkaroon ng ibang flavor ‘yung programa, sinamahan natin ng side hustles. Very interesting na malaman [ng viewers] na ‘yung mga hinahangaan nilang mga artista ay meron din silang pinagkakaabalahan sa likod ng camera,” ani Ahwel.

Ayon naman kay Jhai Ho, maganda ang working relationship nila ni Ahwel dahil maayos ang kanilang samahan noong nagkatrabaho sila dati.

“Maganda ‘yung naging foundation namin. One thing na talagang gustong gusto ko is before mag-start ‘yung programa, we make sure ni Papa Ahwel na mag-usap na dapat masaya lang, dapat GV [good vibes] lang tayo, kung may hindi tayo bet sabihin natin agad sa isa’t isa,” kwento ni Jhai Ho.

Bukod sa Showbiz Sidelines, pwede ring tumutok ang mga mano­nood sa Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo sa pagsimula ng kanilang umaga para updated sila sa mga balita.

Ilan sa mga programang pwede nilang abangan sa istasyon ang Radyo 630 Balita nina Sherrie Ann Torres at Johnson Manabat, Gising Pilipinas at Teleradyo Serbisyo Balita nina Alvin Elchico at Doris Bigornia, Kabayan ni Noli de Castro, Balitapatan kasama sina Peter Musngi at Rica Lazo, Tatak: Serbisyo kasama si Winnie Cor­dero, at Headline Ngayon ni Jonathan Magistrado.

vuukle comment

AHWEL PAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with