^

PSN Showbiz

Mural ng mga top grosser sa MMFF, nasa EDSA na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mural ng mga top grosser sa MMFF, nasa EDSA na!
Photo by Miguel Antonio de Guzman

Inilunsad na kahapon ng MMDA ang Sinesigla sa Singkuwenta bilang bahagi ng pagdiriwang ng 50th Metro Manila Film Festival.

Sa labas lang ng MMDA building sa EDSA ay in-unveil ang mural ng MMFF Sinesigla sa Singkuwenta na kung saan nakapinta ang mga artistang malaki ang naging bahagi sa MMFF sa loob ng 50 years.

Nasa mural ang mukha nina Fernando Poe Jr., Nora Aunor, Vilma Santos, Joseph Estrada, Vice Ganda, Vic Sotto, Christopher de Leon, Amy Austria, Cesar Montano, Dolphy, Gloria Romero, Maricel Soriano, Anthony Alonzo, at ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Naantala lang ang pagpinta nito dahil sa magkakasunod na bagyo. Pero tuloy pa rin daw ito na ang magpi­pinta ay mga estudyante ng iAcademy at may surprise guest silang sikat na aktres na magpipinta roon.

Sa Sept. 25 naman ay magsisimula nang mapanood sa ilang sinehan ang mga pelikulang nagmarka sa MMFF sa loob ng 50 years.

Marami silang mga pelikulang na-restore na mae-enjoy raw ng ating mga manonood sa halagang P50 lamang.

“Gusto po naming ibalik doon sa ans na inabutan ang mga pelikulang ito para manumbalik ‘yung kanilang mga alaala sa mga napakagagandang pelikula, at ‘yung memories nila habang nanonood ng sine sa mga sinehan.

“Ganundin sa young generations naman, para ipakita sa kanila ‘yung history ng pelikulang Pilipino, particularly ng MMFF, na sa loob ng limampung edisyon or sa 50 years ng MMFF ay nakagawa po tayo ng napakagandang pelikula na dapat po nilang mapanood at makita, at maging part din po ng kanilang memories. ‘Yun po ‘yung gusto po naming ma-achieve,” saad ng MMDA Chairman Romando Artes.

Dumalo roon sa launching ang mga taga-Mowelfund, Film Development Council of the Philippines, FAP, ang AKTOR, at ilang direktor at producers.

Doon nga namin sandaling nakatsikahan si Mr. John Bryan Diamante ng Mentorque Productions na siyang nagpo-produce ng pelikulang ginagawa ngayon ni Vilma Santos.

Totoong na-delay sila dahil sa nagkasakit si Ate Vi. Nung tinext namin kamakalawa lang ang Star For All Seasons, handa na raw siya, at may schedule na raw siya.

Sabi ni Bryan, naka-10 shooting days na raw sila.

Inuna muna nila ang mga eksenang hindi kasali si Ate Vi. “Nagpahinga talaga siya. Na-delay siya ng more than one week.

“Basically we’re on track, that’s why kahit papaano, talagang ano kami tumuloy pa rin ang shoot ng mga artista na wala siya. Kaya nagmahal din kami ng konti, pero wala naman tayong magagawa dun, kasi siyempre kailangan mag-rest siya,” pakli ni Bryan Diamante.

Nakapag-shoot na rin naman daw si Vilma ng ilang araw kaya tuluy-tuloy na raw sila.

Ayaw sagutin ni Bryan ang tanong namin kung kasama sa film project na ito sina Aga Muhlach at Nadine Lustre.

Abangan na lang daw ang kanilang official launch. Ayaw din daw niyang magpa-pressure na dapat isali ito sa MMFF.

May narinig kasi kaming hinihintay raw talaga ito para may Vilma Santos movie sa 50th MMFF.

Kaya may naririnig din kaming baka i-extend ang submission ng finished films. Pero sabi ng taga-MMDA kahapon, wala raw talagang extension. Sa Sept. 30 daw ang deadline.

Samantala, mukhang ihahabol din sa deadline ang Espantaho ng Quantum at Cineko Productions na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentio.

Ito dapat ang pelikulang unang inalok kay Ate Vi na pagsasamahan nila ni Judy Ann. Pero mas unang nag-commit ang premyadong aktres sa offer ng Mentorque. Hiningan ko ng reaksyon si Ate Vi na si Lorna ang ipinalit sa kanya.

“Of course, Gorgy! LT is a special friend!!! Perfect choice! (thumbs up at heart emoji).”

Kapuso young stars, na-intimidate sa mga beterano

Sa Sabado ng 4:45 ng hapon na magsisimula ang bagong musical na youth-oriented series na MAKA.

Ilulunsad dito ang mga bagong young stars ng Sparkle na sina Zephanie, Dylan Menor, Ashley Sarmiento, Marco Masa, John Clifford, Olive May, Chanty, Sean Lucas at ang nakilalang si ‘bangus girl’ ng Capiz na si May Ann Basa.

Kasama naman nila ang mga magagaling at kilalang veteran stars na galing din sa pagiging youg stars na sina Romnick Sarmenta, Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa at Jojo Alejar.

Kasali rin dito si Ms. Carmen Soriano, at si Rod Marmol ang direktor.

Para sa mga batang ito, masuwerte sila na nakasama nila ang mga nabanggit na veteran stars dahil ang dami nilang natutunan at talagang gina-guide raw sila.

Nung una raw ay medyo initimidating sa kanila na sina Romnick at Tina ang kaeksena nila, pero ang cool daw pala at naging kumportable sila agad.

Sabi ni Zephanie, “Medyo nahiya nga po ako kay Ms. Tina nung una, kasi ‘yun po ‘yung scene na medyo mas drama siya.”

 Sabi naman ni Dylan, “It’s an honor din and privilege to work with him, kasi ang galing niya e. Ever since nung bata siya, nanonood din ako ng mga clips niya before. Guwapings pa rin e, astig e.

“Tapos dun sa scene po namin, he’s a strict teacher. So, ako as my role, inaangasan ko din siya. Natuwa ako na ‘yun ‘yung interaction niya.”

vuukle comment

MURAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with