^

PSN Showbiz

ABS-CBN, kinilala bilang isa sa mga nangungunang video entertainment brands sa bansa

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN, kinilala bilang isa sa mga nangungunang video entertainment brands sa bansa
2nd female from the right ABS-CBN Head of Content Research Diorella Agoncillo at the 2024 Kantar brandz most valuable Philippine Brands Awarding Ceremony
STAR/File

Kinilala ang ABS-CBN bilang isa sa tatlong nangu­ngunang video entertainment brands sa bansa at bukod tanging media company sa Pilipinas na nanalo sa kategor­ya ng 2024 Kantar BrandZ Most Valuable Philippine Brands awarding ceremony.

Ayon sa Kantar BrandZ report, kinilala ABS-CBN dahil malakas pa rin ang ABS-CBN brand kahit wala na itong free TV channel. Dagdag pa ng Kantar BrandZ, dahil napapanood ang mga palabas ng ABS-CBN online ay mas naaabot ng mga manonood ang kanilang mga paboritong programa anumang oras gamit ang iba’t ibang devices.

Ang Kantar Brand Z ay isang taunang ulat na kumikilala sa mga tanyag na brands base sa survey.

Ngayong 2024, pinarangalan ng Philippine BrandZ PH report ang most valuable Philippine brands mula sa sektor ng Payment Networks, Dairy, Video Entertainment, at Fast Food. Niraranggo ito gamit ang Demand Power index, isang sukat ng consumer demand para sa isang brand para magpahiwatig ng volume share ng isang brand batay sa pananaw ng mga mamimili.

Wow, mas bongga pa toh nung may franchise sila.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with