^

PSN Showbiz

Sen. Bong may dugong alay sa kanyang birthday, Mayor Joy may wish!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong may dugong alay sa kanyang birthday, Mayor Joy may wish!
Mayor Joy at Senator Bong Revilla
STAR/File

May advance birthday celebration ni Senator Bong Revilla. Kahapon ay isinagawa sa Amoranto Sports Complex ang Dugong Alay, Pandugtong Buhay, na napuno ng tao.

Maagang dumating si Senator Bong. Nakiisa sa nasabing celebration ng senador / aktor si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ang daming nag-donate ng dugo kabilang na ang police officers. Kaya ang running joke kahapon dun, dumanak ng dugo sa Kyusi.

Anyway, thankful si Sen. Bong kay Mayor Joy na noon pa raw ay super close na sila sa Belmonte family.  In fact, hindi raw siya pinababayaan ni Mayor Joy sa Q.C.

Nag-umpisa raw ‘yun kay former Speaker Sonny Belmonte na parati sila noong dinadalaw sa Cavite dahil very close rito ang daddy niya.

At ang birthday wish ni Mayor Joy kay Senator Bong: “Siyempre gusto kong ipagpatuloy niya sa kanyang paglilingkod sa mga mamayanan sa buong bansa hindi lang sa mga proyekto na nasa grassroots, kundi pati na rin sa mga batas niya na lahat ay nakikinabang, mga senior, mag-aaral, sa mga iba’t ibang panukalang batas sa senado,” sabi ni Mayor Joy.

Si Sen. Bong naman ay reconciliation ang birthday wish at wala na raw sanang awayan. “Sana magkasundo na lahat. Wala nang away-away, para sa ating bayan,” aniya sa mga nag-cover na press kahapon.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with