Arjo, nagugulat sa ginagawa ng ibang artista
Ikinalungkot ni Arjo Atayde ang hindi pagkakasama sa seryeng Incognito na pagbibidahan nina Daniel Padilla at Richard Gutierrez. Bukod kasi sa pagiging aktor ay nanunungkulan din si Arjo bilang Congressman sa 1st District ng Quezon City.
Posibleng sa susunod na taon pa muling makagagawa ang aktor at pulitiko ng isang serye. “I’ve been gone for about five years. Marami na pong nangyari. Definitely I’m looking forward to coming back and to be back on my playground. I wanna work with everyone naman talaga. It really gives me the opportunity to learn more. Nagugulat din po ako sa ibang mga artista the way they did it kapag sinabing ‘Action!’ ng direktor,” paglalahad niya.
Kahit abala sa kabi-kabilang trabaho ay sinisikap naman ni Arjo na magampanan ang pagiging asawa kay Maine Mendoza.
Matatandaang nagpakasal ang dalawa noong isang taon. Sa ngayon ay hindi pa maibahagi ni Arjo sa publiko kung kailan sila bubuo ng pamilya ng aktres.
Janine, nilabas ang mga trauma
Dalawang taon na ang nakalilipas nang bumukod ng tirahan mula sa pamilya si Janine Teñoso. Ayon sa singer ay marami siyang mga natutunan sa buhay mula nang magsarili na ng pamumuhay. “First time kong naging alone. Umalis muna ako sa childhood house ko and I started to realize things regarding my traumas and how it shaped me to become the woman that I am noong 23 years old ako,” bungad ni Janine.
Kamakailan ay nailunsad na ang EP ng singer na may titulong Apat na Buwan. Kabilang dito ang mga kantang Palihim, Hulaan, 23, Sandig at Apat na Buwan. Konektado ang bawat kanta na may kaugnayan umano sa mga karanasan ni Janine sa dalawang taong nakalipas. “These are all happenings noong 23 years old ako. Lahat ng songs, inspired and written when I was 23 years old. So siguro marami akong desisyon na first time ko gawin kaya na-open ako sa different kinds of love. I think lahat ng nangyari sa personal life ko and sa love life ko noon, that was two years ago,” pagtatapat ng dalaga.
Nangangarap si Janine na mas makilala pa sa larangan ng musika. Nagpaplano rin ang dalaga na makagawa pa ng mga bagong kanta sa susunod na taon. “I think my goal, personality is just for me to grow. It’s for me to explore it until I reach my maximum potential if there is a maximum potential. It’s just like becoming open, more and more,” makahulugang pagtatapos ng singer. — Reports from JCC
- Latest