Willie, ‘di nakapalag kay Dingdong?!
Wow totoo bang nanganganib ilipat sa ibang oras ang programa ni Willie Revillame sa TV5?
Hindi raw nagri-rate ha kahit pa limpak-limpak ang ipinamimigay nilang datung.
Ganun.
Sabi ko na nga ba.
Ilang beses ko na ba ‘yan sinabi.
Kumbaga lipas na ang panahon ni Willie, saka mas bonggang panoorin ang Family Feud ni Dingdong Dantes noh.
‘Yun lang at babu na.
EJ, ginawang boyfriend ng bayan
Ibinahagi ni world number two pole vaulter EJ Obiena kay Dyan Castillo ang mga hamon na kanyang kinaharap sa Paris 2024 Olympics pati na ang mga kumpetisyon na kanyang sasalihan sa 2025 sa programang Tao Po noong Linggo.
Napamangha ni EJ ang mga kapwa Pilipino sa kanyang pagkamit ng ikaapat na pwesto sa men’s pole vault sa Paris Olympics sa kabila ng mga pinagdaraanan niya sa kanyang kalusugan.
Para sa taong 2025, excited na si EJ na muling maging kinatawan ng Pilipinas sa World Athletics Indoor Championship, World Athletics Championship, at Southeast Asian Games, kaya naman magiging matindi muli ang training ng Pinoy Olympian.
Very popular si EJ ha. At ang cute niya rin kaya naman sabi nga nila na ang pambansang boyfriend ngayon.
Anyway, sinabi nga ng tubong Tondo, Maynila na ang unang hakbang sa pagtutulak ng sport sa bansa ay gawing mas accessible ito para sa lahat, hindi lang sa Metro Manila at urbanized na mga lungsod.
Sinabi rin ng Filipino Olympian na nakikipagtulungan siya sa mga collegiate league para isama ang pole vault lalo na sa juniors level.
Dahil sa higit na interes sa sports, umaasa siya na hindi lamang pagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang pole vault kundi magbibigay rin ng mas maraming suportang pinansyal.
Bongga. Very sports minded na ako ha. Hahahaha.
- Latest