^

PSN Showbiz

Aktres, umamin sa BI

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Kapag ang isang artista ay nag-react sa isang blind item, guilty!

Sabi nga nila, ‘sa bibig nahuhuli ang isda.’ ‘Yun ang nangyari sa isang aktres nang ikuwento natin ang pagpapalaba niya sa wardrobe ng suot niyang damit na tinagusan.

May ilang co-stars nitong si aktres ang nagkumpirma sa aming totoong nangyari ‘yun. Pero hinayaan na lang nila, dahil alam na nila kung ano ang ugali nitong si aktres.

Kaya lang, likas na confrontational si aktres. Nang nabasa niya ‘yun, kaagad sinugod si wardrobe para talakan bakit pa niya ito ipinarating sa amin.

Nagulat si wardrobe, dahil hindi naman niya kami kilala at wala naman daw siyang kinuwentuhan ng ginawa sa kanya ni aktres.

Pero maraming nakaalam, kaya kumalat ito at nakarating sa amin.

Pero masama ang loob ni aktres, dahil bakit siya raw ang pinagdiskitahan. May ilang co-stars naman daw siyang nag-attitude doon sa set, bakit hindi raw sila ang i-blind item.

Nadulas ang bibig ni aktres na binanggit ang isang may katarayan din na aktres na nagpakita rin daw ng tunay na ugali nito sa ilang production staff.

Inaalam tuloy namin kung ano ang katarayang ipinakita ng isa pang aktres na ito.

Bago matapos ang seryeng ito ay posibleng maglalabasan pa ang ibang kaganapan at milag­rong ginagawa ng ilang artistang involved. Sa tagal naman kasi ng seryeng ito ay marami talagang mga kuwento tayong makakalkal na nangyayari sa set.

Louise and Bea, magkakampi sa ‘Krimen’ sa Pulitika

Naglabas ng sariling opinyon sa mga nangyayari sa bansa ang ilang artista ng pelikulang Pasahero ng Viva Films at JPHLiX Films na dinirek ni Roman Perez, Jr., at magso-showing na sa mga sinehan sa Oct. 9.

Kakaibang horror at suspense thriller ang pelikulang ito na tinatampukan nina Louise delos Reyes at Bea Binene kasama sina Mark Anthony Fernandez, Katya Santos, Andre Yllana, Yumi Garcia, Kean Johnson, Raga Siguion-Reyna at Danni Zee.

Tumatalakay ang kuwento nito sa isang krimen na nangyari sa isang tren na kung saan walang ginawa ang ilang pasaherong sakay nito.

Sa media conference ng naturang pelikula na ginanap sa Viva Café nung Biyernes, tinanong silang lahat kung sakaling may nasaksihan silang krimen, may gagawin ba sila rito o hayaan na lang.

Ikinumpara ni Louise ang krimen sa pulitika rito sa atin.

“Ayokong maging masyadong political. ‘Yung krimeng nangyayari sa Pilipinas ngayon ay nakikita natin every time na merong session hearing,” pakli ni aktres.

“I respect na meron po tayong iba’t ibang opinyon at suhestiyon sa bawat nagaganap sa Pilipinas pero, I think sa susunod na eleksyon, maging mindful na tayo sa kung sino ang ini-elect natin.

“Let’s all be mindful sa mga taong nilalagay sa posisyon, and sana po ang lagi nating isipin ang Pilipinas, tayong mga Pilipino, ang mga susunod na generation, ang magiging anak, magiging apo natin. Kasi, ‘yung nangyayari sa atin ngayon, hindi lang naman dito nangyayari ‘yun e, sa ibang bansa rin. At sabihin mo hindi naman nawawala ang mga corrupt na tao, ang mga patayan. Pero meron tayong konting magagawa para sa lipunan natin. ‘Yun ang manood, mag-repost kung ano man ‘yung… alam mo ‘yun. Kailangan lang kasi maliwanagan ‘yung mga tao about sa mga crime at mga nangyayari ngayon sa Pilipinas,” dagdag niyang pahayag.

Umayon si Bea sa mga pahayag ni Louise.

Aniya, “Sinu-support ko ‘yung sinabi ni Louise din, kasi ‘yung sinasabi niya na dapat makialam tayo, kasi importante ‘yun e. Kumbaga, para sa buhay din natin ‘yun. Dapat makialam. Dapat alam natin and not just makialam to the point na nagme-meddle tayo na mema lang, na kailangan alam din talaga natin.

“Siguro, kung may ma-witness po ako na kung anong crime man katulad dito sa Pasahero, I think it’s just important what we know what to do first, or na dapat talagang… kumbaga, kailangan may gawin ka. And ako, knowing myself, ganun po akong tao e. Hindi man ako, like kunwari during sa action na ‘hoy stop na ano… sure ako na meron akong gagawin. Like, sasabihin ko sa mga kinauukulan o mag-reach out to the victim, hahanapin or something. Parang importante na maging mindful na makialam din tayo sa mga tao rin sa paligid natin.”

DInugtungan ni direk Roman Perez, Jr. ang mga sinabi ng dalawang aktres. “Meron kasing dalawang bagay na pakikialam ‘no?

“‘Yung pakikialam na… yes naghe-help ka, may action tama.

“Ang mensahe ng pelikula, okay hindi ka makikialam, pero opposed ka. Mas masakit ‘yun. ‘Yun ‘yung punto ng pelikula. Alam mo ‘yung krimen, pero wala kang ginawa.

“‘Yun ‘yung parusang nararanasan ng mga characters dito. Alam nating may krimen, pero wala tayong ginawa, binoboto pa natin. ‘Yun ‘yung point,” saad nito.

Wala si Mark Anthony Fernandez sa mediacon na maaaring umiwas lang na kulitin siya sa napakabongga niyang sex video scandal.

BEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with