^

PSN Showbiz

I-Witness, may malaking selebrasyon sa 25 taon

Pilipino Star Ngayon

Taong 1999 nang ilunsad nina Jessica Soho at iba pang pathfinders sa GMA 7 sa pangunguna ni Marissa Flores ang isang documentary program na mas malalim na tatalakay sa mga isyung karaniwang nakikita lang sa balita.

Mula rito ay ipinanganak ang I-Witness, ang kauna-unahang TV documentary show na kalauna’y naging pinakapremyadong documentary program sa Pilipinas. Sa ika-25 taon nito ngayong 2024, ang I-Witness na ang longest-running Public Affairs program sa bansa.

Naging matagumpay sa loob ng maraming taon dahil hindi lamang ito simpleng “legacy show.” Ang mga itinuturing na icons sa larangan ng broadcast industry tulad nina Jessica Soho, Mike Enriquez, Mel Tiangco, Jay Taruc, Sandra Aguinaldo, Cheche Lazaro, Luchi Cruz-Valdes, at Vicky Morales ay naging bahagi ng I-Witness bago pa man sila magkaroon ng kanilang sariling mga programa.

Marami ring mga producer at direktor ang natuto at nahasa ang kakayahan sa paggawa ng mga de-kalibreng dokumentaryo sa I-Witness. Patunay rito ang mga parangal at pagkilala, kabilang ang dalawang George Foster Peabody awards, ilang New York Festivals World Medals, Asian TV Awards, Asia-Pacific Child Rights Awards, at isang nominasyon sa Emmy.

Sa espesyal na selebrasyon ng 25 taon nito, ibabahagi ng programa ang documentary episodes na magtatampok ng mga kuwento ng kabayanihan at serbisyo para sa bayan. Sina Kara David, Howie Severino, Atom Araullo, John Consulta, at Mav Gonzales, kasama ang kanilang mga team, ay maghahatid ng mga kakaibang kuwento mula Mindoro hanggang Sulu.

Kabilang sa mga tampok na kuwento ang tungkol sa mga tagapag-alaga ng mga agila (Kabilin sa Panapatan ni Atom Araullo), isang Mangyan youth na tumutulong sa komunidad na makuha ang kanilang birth certificate (Sa Ngalan ng Pangalan ni Howie Severino), mga coach na nagsasanay ng competitive swimmers sa isang liblib na isla (Swim for Gold ni Mav Gonzales), isang doktor na sakay ng bangka upang magbigay ng serbisyong medikal sa isang liblib na bayan (Doctor on Boat ni John Consulta), at mga katutubo sa Mindanao na tumutulong sa mga biktima ng pang-aabuso upang magsampa ng kaso laban sa mga salarin (Kapalit ng Katahimikan ni Kara David).

Panoorin ang mga espes­yal na episode na ito tuwing Sabado, simula Setyembre 14 hanggang Oktubre 12, 10:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito sa GMA Pinoy TV para sa mga Kapuso abroad.

Sarah G at Kyle, may hinandang kamangha- manghang collab performance!

Maghanda na para sa best Sunday dahil tampok sa ASAP ang kaabang-abang na performances mula kina Sarah Geronimo, Kyle Echarri, Donny Pangilinan, Belle Mariano, at Kim Chiu ngayong Linggo (Setyembre 15) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Makiindak kasama sina Sarah at Kyle sa kanilang kamangha-manghang collab performance at kay Kim sa kanyang sexy dance number kasama ang G-Force. Ihanda naman ang inyong mga puso para sa isang kilig prod mula kina Donny at Belle. Lalong gaganda ang inyong Linggo kasama ang OPM icons na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, at Erik Santos na maghahatid ng mga world-class musical performance. Subaybayan naman ang matinding vocal showdown kasama ang champions na sina Jona, Morissette, Klarisse De Guzman, Katrina Velarde, Khimo Gumatay, JM Yosures, Lyka Estrella, at Sheena Belarmino.

Tuloy lang ang bonggang sayawan kasama ang BGYO, Darren Espanto, Gab Valenciano, Gela Atayde, AC Bonifacio, Joshua Garcia, Mikki Claver, JL Toreliza, at Akira Morishita na handog ang iba’t ibang dance prods.

Wag magpahuli sa iba pang best-of-the-best performances kabilang ang isang nakakabag­bag-damdaming solo prod mula kay Regine, kamangha-manghang cover performance nina Martin, Ogie at Erik, heartbreaking prod mula sa OPM icons, collab performance mula kina Regine at Yeng, trendy act mula kay Lola Amour, at nakakatuwang pag-uusap mula sa ASAP hosts.

Panoorin ang golden ASAP experience ngayong Linggo sa ASAP, 12 nn, sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide sa TFC.

vuukle comment

GMA

KYLE

SARAH G

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with