^

PSN Showbiz

Daniel, ayaw magpanggap!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Daniel, ayaw magpanggap!
Daniel Padilla

Kasalukuyang nasa Italy ngayon ang cast ng Incognito na pinangungunahan nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla. Kabilang din sa naturang serye sina Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, Anthony Jennings at Maris Racal. Ilang linggong nakapag-taping sa Palawan kamakailan ang buong grupo ng serye. “Palawan was amazing. It was great filming there, napakita natin ang ganda ng El Nido sa Palawan. Hindi naging madali ang shoot natin dahil tinamaan tayo ng bagyo unfortunately. Tumama rin doon during the time we were filming. Nagkaroon din kami ng cancellation days. Overall it was a great experience. Nagkaroon talaga ng bond and camaraderie ‘yung cast and crew. It was a good first lock-in for us,” pagbabahagi ni Richard sa ABS-CBN News.

Matatandaang nakatrabaho na ng aktor noong 2017 si Daniel sa seryeng La Luna Sangre.

Para kay Richard ay talagang magaang katrabaho ang binata. “Si Daniel as usual, masarap masaya kasama sa set. Hindi magiging madali ‘yung shoot namin, sinabi ko sa kanya ‘yon, alam niya ‘yon. Ang iba sa kanila, first time mag-a-action. Kaya nga sinasabi ko sa kanila, ‘Welcome to action!’ ‘Yung hinihingal na sila no’ng pagod na sila. It’s a great feeling to work with some actors na ngayon ko pa lang nakatrabaho,” paglalahad ng aktor.

Ayon naman kay Daniel ay talagang pinaghandaan niya ang bagong proyekto. Kinailangang mag-training ng aktor upang magawa nang maayos ang action scenes sa serye. “So far it’s very professional naman lahat. Si Chard nanggaling sa Iron Heart. Si Tito Ian from action din. Ako ‘yung naghahabol nga­yon sa kanila. Buti na lang mga kaibigan ko sila, at inaalalayan nila ako. Nag-training kami, we had two, three months of training before doing this. Talagang pinaghandaan nang maigi. Siyempre ayaw nating magmukhang nagpapanggap doon. Gusto natin totoo lahat,” nakangiting pahayag ni Daniel.

Sofia, biglang naging conservative

Nasa 10.5 million na ang followers ni Sofia Andres sa Instagram. Mayroon ding 4.5 million followers sa TikTok ang aktres. Nakikilala na rin si Sofia bilang isa sa mga fashion influencer sa social media. “I’m also into fashion din kasi eh, very maarte. So parang nadala na lang din and people appreciate it. So baka gano’n na lang din kaya nagtuluy-tuloy na,” bungad ni Sofia.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa followers na patuloy na tumatangkilik sa kanyang mga ginagawa. Mayroong mensahe si Sofia para sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya. “‘Wag kayong mapapagod dahil mahal ko kayo. I’m here for you guys. Also hindi ko binabalewala ‘yung efforts n’yo para sa akin,” giit ng Kapamilya actress.  

Kahit aktibo sa paggawa ng iba’t ibang content sa social media ay hindi naman tatalikuran ni Sofia ang paggawa ng proyekto sa telebisyon at pelikula. Maglilimang taong gulang na sa Nobyemre ang anak ng aktres at kasintahang si Daniel Miranda na si Zoe. “Maghihintay ako kahit forever, why not? Pero siyempre, medyo nalimitahan po. I didn’t expect na magiging gano’n. I don’t know bigla na lang akong naging conservative. Parang naging limitado, siyempre I want to see my daughter that her mom na wholesome,” pagtatapos ng aktres. — Reports from JCC

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with