^

PSN Showbiz

Kim pinayuhan, Paulo Cum Laude na raw sa pakikipagrelasyon!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kim pinayuhan, Paulo Cum Laude na raw sa pakikipagrelasyon!
Kim Chiu at Paulo Avelino

Kinilig ang fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa pinost ng aktor na litrato na nasa parehong lugar din ng photo ng aktres.

Nagkagulo ang KimPau fans dahil dun habang nasa isang beach siya sa Los Angeles, California na tila soft launch daw sa kanilang relasyon.

Makikita kasi sa social media account ni Kim ang parehong-parehong photo niya sa lugar na may caption na “Life becomes more meaningful when you realize the simple fact that you’ll never get the same moment twice” habang sa aktor ay simpleng “LA” lang ang caption.

Dito na nga naglabasan ang fans nila na may ispekulasyong mukhang totohanan na raw ang relasyon ng dalawa.

Agad nilang sinugod ang aktor na kung aksidente lang daw ba o magkasama talaga sila sa lugar.

Mukhang ito raw ang panahon na magkasama sila pagkatapos ng ASAP California event nila.

Marami ang kinilig at marami rin ang nakialam at nagbigay ng babala sa aktres.

Sinabi ng fans niya na kung pwede raw ay huwag na niyang ituloy ang pakikipag­relasyon sa aktor na mala-Magna Cum Laude na raw sa pakikipagrelasyon.

Nakita raw kasi nila kung paano nito jinowa ang halos lahat ng naging leading ladies niya kasama na si KC Concepcion.

Pero may nagtanggol naman sa kanya na baka nga raw naman sawa na ito sa pagkabinata at kay Kim na mapunta. Naging responsableng ama naman daw ito sa anak nila ni LJ Reyes na si Aki.

May fans din na nagsabi na madalas daw makita ang dalawa na magkasama sa gym.

Kaya pinayuhan na lang si Kim na ingatan ang puso at marahil ine-enjoy lang niya ang pagiging single habang wala pa siyang plano na lumagay sa tahimik.

Ang iba naman ay sinabing promo lang ito dahil may gagawin silang pelikula.

Samantala, isa sa napansin din ng fans ay ang abs ng aktres na pinanggigilan nila. Body goals daw talaga ito.

Bongga si Kim.

 

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with