^

PSN Showbiz

Aktres na Azenith Briones, dinitalye ang ginawa sa rehab

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Aktres na Azenith Briones, dinitalye ang ginawa sa rehab
Azenith Briones

Kontrobersyal ang pagkawala ni Azenith Briones noong isang taon. Matatandaang nanawagan pa sa publiko ang kaibigang si Isabel Rivas upang mahanap ang dating aktres.

Nagpasya pala ang mga anak ni Azenith na ipasok ang sari­ling ina sa rehabilitation center dahil sa pagkalulong diumano sa sugal. “Napunta ako roon kasi nakita ko ‘yung reason ng mga anak ko is because they thought all the while I’m already addicted to gambling. Iyon ‘yung reason noon. But then sinabi ko nga, hindi naman talaga ako, because kilala ko naman sarili ko. Talagang hindi naman ako adik sa casino. Talagang ako’y minsan pumupunta roon, napapalimit,” pagbabahagi ni Azenith sa YouTube channel ni Julius Babao.

“I have a lot of friends tapos ‘yung negosyo ko rin. Doon din ako because I’m into jewelry, ‘di ba? Tapos may mga friends din ako doon nakakakuha ako ng mas mura. Alam mo naman sa casino, may mga alahas, may mga relo. So I take it advantage sa kinukuha ko rin. Then pinupuhunan ako, then I sell it back,” paglilinaw ng aktres.

Aminado si Azenith na sumama ang loob sa mga anak dahil sa naging desisyon ng mga ito. Para sa aktres ay pinag-usapan na lamang nila dapat bilang isang pamilya kung ano man ang mga naging suliranin noon. “Feeling ko noon, ‘yon pala ‘yon eh, ‘Dapat nag-usap na lang tayo.’ Siyempre hindi ko masisisi ‘yung mga tao, lalo na ‘yung mga kaibigan kong close sa akin na nag-alala na rin. Saka ‘yung ibang tao na hindi ko ka-close, na naalarma ang mga tao pati relatives ko, mga kamag-anak ko,” dagdag pa niya.

Kahit nagkaroon ng mga hindi pagkakaunawan noon ay maayos na ang samahan ngayon ng pamilya ni Azenith. Sa edad na 67 gulang ay masaya ang dating aktres na kapiling nang muli ang mga anak. “Mga anak ko ‘yan eh, napatawad ko sila sa lahat ng nagawa nila.  So dapat sila rin marunong magpatawad sa mga taong akala nila ay nakasakit sa kanila. ‘Yung nangyari sa rehab, ang Panginoon ang gumawa no’n. Ginamit ng Diyos ang mga anak ko, naging tools, para dalhin ako sa rehab. Dinadala rin sila doon para maging maayos kami. ‘Yon ang pasasalamat ko, psychologist, psychiatrist, mga officer doon sa program ko. Talagang tumutulong sila para mga anak ko kausapin din. At least mamamatay ako na masaya kami ng mga anak ko,” makahulugang pahayag ni Azenith.

Andrew e, 30 years halos ‘di nag-major concert

Kakaibang Andrew E. ang matutunghayan ng mga tagahanga sa nalalapit na  1Time For Your Mind concert na gaganapin sa New Frontier Theater sa December 11. Ito ang kauna-unahang major concert ng rapper sa nakalipas na mahigit tatlong dekada. “We will present you a Las Vegas type of show. Ako naman sa dinami-dami ng major concert na nakikita ko sa Pilipinas way back 30 years ago, 20 years ago, 10 years ago, we need to define and create something new. Sabi ko let’s plan of doing something for the people na talagang manonood sila ang they will appreciate what they’re seeing and what they’re hearing and what they’re doing without us talking to them,” paliwanag ni Andrew.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ng rapper kung sinu-sino ang kanyang magiging mga panauhin sa pinakaaabangang concert. “Usually di ba po kapag nagso-show ang isang artist, magkakaroon ng concert po something to that effect, di ba ina-announce na nila ‘yung guest nila? Kami po parang much different aspect o much different direction. Mas ini-excite namin ‘yung tao thinking na baka wala s’yang guest or maybe kung meron man, aabangan namin ‘yung day or days ng announcement kung sinu-sino ang mga guest,” paglalahad ng rapper. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

AZENITH BRIONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with