BGYO, tinuloy ang kaso sa online bashers!
Pero pinatawad na...
Matapang ang nag-post sa social media ng ilang kasiraan sa grupong BGYO. Eh sinampahan ng cyber libel ang online bashers, kaya nang makaharap ang grupo kasama ang ina, humingi siya ng sorry na parang maamong tupa!
Tinanggap naman ng grupo ang apology ng babaeng netizen. Pero tuloy pa rin ang kasong kriminal ayon sa legal counsel na si Atty. Joji Alonso.
Bahagi ng post ni Atty. Joji sa kanyang Facebook account, “These deliberate attacks were of serious nature with the only intention of harming and damaging their reputation.”
Sa paghingi ng apology ng isang Rachel Galang, “does NOT mean that the BGYO and its management will no longer take action on other pending criminal cases.
“This is a sui generis case or a one-time exception for this particular circumstance. We will pursue all other cases and we will ensure that justice will be served for BGYO.”
Sinag maynila, ‘di dinumog?!
May nanonood ba sa Sinag Maynila 2024? Limitado kasi ang sinehan kung saan ito ipinalalabas kaya hindi masyadong alam ng mga tao, huh!
Isa sa movies sa Sinag Maynila ay ang Maple Leaf Dreams nina Kira Balinger at LA Santos.
Ang isa pang pinag-uusapan ay ang Her Locket. Pero marami pang ibang movies at may documentaries pa.
Soon, ilalabas ng MMDA ang old movies na magiging bahagi ng 50th celebration ng Metro Manila Film Festival sa halagang P50.00 only. Sana naman ay dumugin ito ng mga tao sa sinehan.
- Latest