Satan…, X-rated ulit!
Nabigyan muli ng X rating ang pelikulang Dear Satan ng Mavx Productions.
Isa sa kumontra sa pelikulang ito ay si Undersecretary Janella Ejercito Estrada ng National Authority for Child Care (NACC).
Nakatanggap kami ng statement mula sa naturang ahensya na kung saan ay nagpahayag si Usec. Estrada ng pagkadismaya sa pelikulang ito.
Ayon sa statement na ipinadala ng NACC, ang pelikulang ito ay “misleading” at “unlawful” daw ang pagka-depict ng adoption at foster care bilang isang paraan ng alternative child care.
Saad ni Usec. Estrada, “It is unfortunate that while ‘Dear Satan’ implores artistic freedom, the film runs counter to the NACC mandate and diminishes the successes and milestones painstakingly earned by the government, child welfare professionals, and other NACC stakeholders in ensuring that the general public is aware and an active participant to the legal process of adoption.”
Napanood na ni Usec. Estrada ang pelikula at para sa kanya, ipinakita rito ang illegal na proseso ng pag-adopt ng isang bata. Taliwas ito sa gustong iparating ng NACC na mabigyan ng tamang alternative child care, kagaya ng pag-ampon ng isang bata.
“Dear Satan validates the longstanding illegal practices of adoption such as choosing a child and haphazardly taking her/him home, and that there is no need for training, licensing and preparation of Prospective Adoptive Parents (PAPs) and foster parents.
“The best interest of a child I always put into paramount consideration in deciding upon the most suitable method of alternative child care such as domestic adoption, inter-country adoption, foster care, kinship care, family-like care, or residential care,” pagdidiin ni Usec. Estrada.
Ipinaliwanag pa sa statement na ‘yun ang tamang proseso ng pag-adopt ng isang bata na kung saan idinadaan sa masusing pag-aaral kung qualified sa pagpapalaki ang prospective parents.
Salungat daw ito sa ipinapakita sa pelikulang Dear Satan.
Mahabang balitaktakan ito kapag napag-usapan ang mga pelikulang nailabas noon kung paano ang pagtrato sa mga batang palaboy kagaya ng classic film na Batang Yagit na ginawa ring teleseries.
Ang latest na napanood natin sa Netflix na Lolo and the Kid ay ipinakita rin kung paano na-adopt ng isang prospective parents ang batang si Kid na nagnanakaw kasabwat ang adoptive lolo.
Pero hindi pa natin napanood ang Dear Satan, kaya mahirap pang magbigay ng opinyon.
Ali Forbes, mas gustong tutukan ang first love
Sandali naming nakatsikahan ang dating beauty queen at PBB 7 housemate na si Ali Forbes sa nakaraang premiere night ng pelikulang A Journey to Greatness: The Marcos Mamay Story na ginanap sa SM Megamall.
Bahagi siya sa pelikula at sinabi sa amin ni Ali na okay pa rin daw siya sa pag-aartista. Pero mas gusto pala niya ngayon mag-focus sa pagkanta. Meron siyang inilunsad na single, na komposisyon ni direk Joven Tan.
Ang title ay Halika Na, at maganda siyang pakinggan. Natuwa ang listeners namin nung pinatugtog namin ito sa DZRH.
Nagpapasalamat si Ali Forbes na ginawan siya ni direk Joven ng kanta at maganda ang feedback. Dinistribute ito ng Star Music.
“Love ko talaga ‘yung singing. Nag-start ako sa singing career ko when I was 17. Nag-start akong kumanta sa lounge. So, mga standard, bossanova ‘yung kinanta ko, then eventually habang tumatagal mas gusto ko talagang i-pursue ‘yung singing career ko, kasi ‘yun talaga ‘yung isa sa love ko. Gusto ko talaga siya,” saad pa niya.
Meron na rin daw siyang nagawang mga kanta, at sana mabigyan daw ng chance na mai-produce ito. “I’m looking forward na someday naman ‘yung mga nasulat kong kanta ang makanta ko rin.”
Out na sa streaming platforms ang Halika Na ni Ali Forbes.
- Latest