^

PSN Showbiz

Kim, nilinaw ang relasyon nila ni Paulo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim, nilinaw ang relasyon nila ni Paulo
Kim Chiu

Dumalo si Kim Chiu sa ginanap na ContentAsia Awards 2024 sa Taipei kahapon.

 Isang malaking karangalan para sa aktres na maging nominado sa Best Female Lead in a TV series dahil sa mahusay na pagganap bilang si Juliana Lualhati sa Linlang. “First time kong ma-nominate sa gano’ng award-giving body. Nakakatuwa ‘yung feeling. Being nominated sa ContentAsia Award, sobrang panalo na talaga ‘yon, na Philippines represents. I’m very thankful and very happy,” bungad ni Kim sa ABS-CBN News.

Matatandaang sinimulang tangkilikin ng mga tagahanga ang tambalang KimPau nina Kim at Paulo Avelino sa seryeng Linlang noong isang taon. Nagbidang muli sina Paulo at Kim sa seryeng What’s Wrong with Secretary Kim? ngayong taon. Ayon kay Kim ay malapit na ring simulan ang shooting para sa pelikulang My Love Will Make You Disappear na pagtatambalang muli ng KimPau. “Excited na kami, tapos na ang ghost month. ‘Yung script maihahanda na rin. So slowly gearing up na rin kami to start the movie,” pagbabahagi ng aktres.

May bulung-bulungan na nagkakamabutihan na sa tunay na buhay sina Kim at Paulo. Madalas ding nakikitang magkasama ang dalawa kahit sa pagtakbo at pagbibisikleta.

May ilang nagsasabi na posibleng sumali sa isang duathlon competition ang KimPau. “Hindi totoo ‘yon. Nagkataon lang na nag-enjoy din siya mag-bike and run,” nakangiting paglilinaw ng dalaga.

Coney, may inamin sa ex ni Vico

Sa edad na tatlumpu’t limang taong gulang ay binata pa rin ang anak nina Coney Reyes at Vic Sotto na si Vico Sotto. Ayon kay Coney ay hindi siya nakikialam pagdating sa buhay pag-ibig ng kanyang mga anak. “Hindi ako nakikialam, mayroong mga gusto. ‘Tita, ipakilala natin si ganito, si ganyan.’ Sabi ko, ‘Sorry, di ako nakikialam.’ Tapos sasabihin nila, ‘Ang strict ni Tita.’ Ay! Hindi strict! Hindi ako strict, kung strict ako, eh di bawal,” nakangiting pahayag sa amin ni Coney sa Fast Talk with Boy Abunda.

Aminado ang aktres na nagkaroon naman ng kasintahan si Vico noon. Nagtatanong pa umano dati si Coney kay Vico tungkol sa buhay pag-big ng binata. “Noong araw ginagawa ko, ‘Do you have a girlfriend na? Do you like somebody? Noon ‘yon, ayoko na. He had girlfriends, friends, mga classmates niya before, mga ganyan. And they will go out as a group. They will go out something like that for a break. Pero hindi naman kasi ako ano eh, alam ko na I’ve raised my children in a way na, they know that they have fear of God. They know what they are doing,” kwento niya. — Reports from JCC

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with