Wendell, hindi nagpapa-video ‘pag pumapatay ng sunog
Tuluy-tuloy pa rin pala ang pag-volunteer ni Wendell Ramos bilang firefighter.
Nagsimula ito nung pandemic, sumali si Wendell sa grupo ng mga volunteer sa pamamatay sunog.
Ibang fulfillment daw talaga ito sa kanya, kahit wala silang suweldo.
Medyo natigil lang daw siya ngayon nang sunud-sunod na ang mga trabaho niya. Kagaya ngayon, kasama siya sa bagong afternoon drama ng GMA 7 na Shining Inheritance, hindi na siya nakakasali sa grupo ng firefighters.
Ibang experience raw talaga ito sa kanya, na malayo sa pagiging artista nito.
Nagugulat na lang ang mga tao kapag nalaman nilang ang guwapong artista pala ang kasali sa mga bumbero na pumatay ng sunog. Hindi naman daw siya nagpapa-video habang nasa sunog sila, dahil ang concern lang niya sa mga oras na ‘yun ay tumulong sa pagpatay ng sunog.
“I can consider myself na frontliner na. Iba kasi, hindi biro e. Hindi ito pelikula.
“Hindi rin nila alam na ako e. ‘Pag bumaba lang ako, hindi naman nila alam kasi naka-mask. Tapos, pagtanggal dun na lang nila nalaman, ang sarap (ng pakiramdam),” bulalas ni Wendell.
Isa raw ito sa na-realize niya noong pandemic, na ibang fulfillment ang tumulong sa kapwa. Hindi man makapagbigay ng tulong pinansyal, ang pagbibigay serbisyo bilang bumbero ay ang tulong hindi matutumbasan ng pera.
“Like I said, kakaiba ‘to hindi ‘to binubunot sa bulsa lang. And I’m not expecting in return naman. Pero kay Lord, definitely malalim sa kanya ‘yun, to give your life ahhh sa bagay na hindi ka sinasahuran, sa bagay na wala makukuhang kapalit, kundi thank you lang.
“Kasi sa mga dumaan na panahon, ilang taon na ako ngayon, 46 na ako ngayon. Andito pa rin ako. ‘Yun ‘yung ipinagpasalamat ko.
“Nag-iba ‘yung pananaw ko after nung pandemic e,” saad ni Wendell.
Ginagampanan ni Wendell sa Shining Inheritance ang role bilang si Charlie Abrigo. Magsisimula na ito sa Sept. 9, pagkatapos ng Lilet Matias: Attorney-At-Law.
Nagkalat ng medico-legal ni sandro, parurusahan!
Nag-react si Atty. Maggie Abraham-Garduque, legal counsel ng dalawang independent contractors na sina Richard Cruz at Jojo Nones, sa lumabas sa social media ng report ng Medico-Legal ni Sandro Muhlach.
Lumalabas doon sa report na walang penetration, walang entry ng ari ng lalaki sa anus at kahit sa bibig ng biktima.
Ang sabi sa conclusion, “Medico-Legal evaluation shows no evident ano-genital injury at the time of examination but cannot totally exclude sexual abuse.
“Advised STI screening/panel. Advised counseling with psychiatrist/psychologist.”
Nailathala ko na sa column na ito ang reaksyon ni Atty. Maggie, at nung kamakalawa lang ay nakuha ko rin ang pahayag ng legal counsel ni Sandro Muhlach na si Atty. Czarina Quintanilla-Raz ng Puno Law Firm.
Ang sabi sa statement na ipinadala nila,
“We are gravely concerned by the unauthorized release of the Report and we intend to hold accountable those who participated in violating Sandro’s privacy. The palpable cruelty of their actions deserves just punishment given their knowledge of how Sandro continues to suffer from the trauma of what was done to him.
“Rape victims endure unimaginable pain. Every thoughtless action or careless word deepen their wounds. We ask everyone to show compassion and protect the dignity of Sandro who has already suffered so much.
“We ask for your support by respecting Sandro’s privacy and ensuring that justice is pursued with the care and sensitivity that all rape victims deserve.”
- Latest