Jose Mari, natatawa lang sa kanyang mga meme
Kabi-kabila nang muli ang guesting ni Jose Mari Chan ngayong napapalapit na ang Kapaskuhan. Para sa OPM icon ay hindi kailangang sa Ber months lamang ipinadarama sa bawat isa ang tunay na diwa ng Pasko. “Every day should be Christmas Day. The spirit of Christmas is giving and sharing, that is what gives meaning to life. We have to share our blessings with those in need,” makahulugang pahayag ni Jose Mari.
Agosto pa lamang ay talaga namang trending na ang iba’t ibang memes na may mukha ng singer sa social media. Kahit natatawa na lamang sa bawat meme ay hindi raw pabor kay Jose Mari ang pagtawag sa kanya ng mga tao bilang ‘Father of Christmas Carols’ o ‘King of Christmas Carols.’ “I don’t like that. I’m just your regular Filipino singer-songwriter who happened to write a song, a Christmas song that our people both young and old love. So, it’s a blessing to me and I thank God for that gift,” giit ng singer-composer.
Rayver, kabatian ang mga ex
Simula Sept. 14 ay mapapanood na ang The Clash 2024 kung saan hosts sina Julie Ann San Jose at Rayver Cruz. Para sa aktor ay mas madali ang kanyang trabaho sa naturang programa ng GMA Network dahil ang kasintahan ang kasama. “Mas madali for me kasi nando’n na ‘yung rapport, nando’n na ‘yung chemistry. Pero kapag nando’n kami sa work, professional din kami.
“Excited na ako kasi panibagong Clashers, panibagong mga pasabog, mga twists, and panibagong stage. ‘Yung stage namin nagulat ako no’ng nakita ko,” nakangiting pahayag sa amin ni Rayver sa Fast Talk with Boy Abunda.
Ayon sa binata ay kaabang-abang ang lahat ng contestants na masasaksihan ng mga manonood ngayon. Kabilang sa mga hurado ng reality show sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai Ai delas Alas. “Ang sarap panoorin as a viewer ng mga magagaling na singers sa bansa. Marami rin akong natututunan kapag pinapanood ko sila,” giit ng aktor.
Samantala, wala raw problema kina Rayver at Julie Anne kung mapag-usapan man ang tungkol sa kanya-kanyang dating kasintahan.
Matatandaang naging kasintahan ng aktor sina Cristine Reyes at Janine Gutierrez. “Hindi naman kailangan, Tito Boy. Pero kapag napadaan siya sa conversation, okay lang naman. Hindi naman siya kailangang iwasan or anything. Personally choice ko na rin minsan hindi naman kailangang i-bring up pa or pag-usapan pa. Mas gusto ko na nire-reassure ko siya na, ‘Ikaw lang talaga ‘yung mahal ko,’” makahulugang paliwanag ng binata.
Wala na ring komunikasyon sa pagitan ni Rayver at ng mga dating nobya. Kapag may mga pagkakataong nakikita ng binata ang dating kasintahan ay wala raw iwasan na nangyayari. “Hindi na kami nakakapag-usap, Tito Boy. Pero kapag nagkikita naman kami, wala namang problema. Ako pa mismo ‘yung lalapit at babati. Sa kanilang lahat, babatiin ko sila, wala namang problema,” pagtatapos ni Rayver. (Reports from JCC)
- Latest