^

PSN Showbiz

Grupo ni Paolo, aapela sa X!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Grupo ni Paolo, aapela sa X!
Paolo Contis
STAR/File

Nag-trending sa X ang MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio, at pati ang pelikulang Dear Satan ng Mavx Productions dahil sa binigyan ito ng X rating ng naturang ahensya.

Napag-usapan kasi ito sa nakaraang budget hearing ng MTRCB sa Senado na pinamunuan ni Sen. Jinggoy Estrada.

Bukod sa Dear Satan ay binigyan din ng X rating ang documentary film ni JL Burgos na Alipato at Muog, na ang dami ring nag-react pagkatapos itong ipinalabas sa nakaraang Cinemalaya.

Ang dami ring nag-react sa sinabi ni Chair Lala tungkol sa pelikulang ito ni Paolo Contis.

Aniya, “I have seen the film. I joined the board. I am offended as a Christian.

“It is not demonic, but it has a different depiction of Satan becoming good. But Satan will never ever be good.”

Pinutakti dito ng bashing si Chair Lala Sotto at ang MTRCB.

Sinasabi ng iba na porke’t na-offend ka bilang isang Kristiyano, hindi na ito puwedeng panoorin ng iba?

Mas matindi pa diyan ang komento ng iba, at naging personal na nga ang pag-atake sa MTRCB chairperson.

Ayaw lang muna ng taga-Mavx Productions magbigay ng pahayag kaugnay sa pagbigay ng X rating sa Dear Satan.

Nakatakda itong iapela ngayong araw, kaya hintayin daw muna nila ang desisyon kung mapapagbigyan sila.

Noong nakapanayam namin si Paolo sa look test ng pelikula nilang ConMom, natanong namin ito sa aktor. Pero isyu sa title pa lang ang pinag-uusapan doon.

Pinagdiinan niyang fiction ang kuwento nitong pelikula, at sa tingin daw nila naiparating nila ang mensahe na mas nanaig ang kabutihan sa kasamaan.

Sabi ng ilang taga-Mavx, kinonsulta raw nila ito sa CBCP, at sinabi raw ng mga pari na fiction naman ito kaya wala silang pagkontra sa pelikulang ito.

Pahayag ni Paolo, “I honestly thought they would see the difference ng art at ng movie na fiction kesa sa ano… I mean, wala naman ka­ming sinabing sambahin mo si Satanas e, ‘di ba?

“I think the trailer was very clear that I was trying to influence her, but it never happened, because her faith was strong.

“So, baka palitan namin ng title. Sana they’ll give it a chance na ano…”

Pinagdiinan pa ito ni Paolo na pambata ang pelikulang ito.

At parang sinagot na niya rito ang sinabi ni Chair Lala na si Satan ay never ever maging good.

Ani Paolo, “Isa sa feeling ko na nakita nila na, bakit si Satan parang ang bait ng dating? Of course, pambata ‘yung ginagawa naming pelikula e, ‘di ba?

“Kasi puwede naming gawing malalaki ‘yan, ‘di ba? Tapos may bata. E ‘di mas pangit siyang tingnan. I think, ‘yung pinakaturo… naniniwala rin ako na ang pinakaturo sa mga bata, na yes manonood ka ng pelikula. Pero at the end of the day, ‘yung pagtuturo sa mga bata kung ano ‘yung tama at mali, siyempre pag-uwi n’yo, pag-usapan n’yo ‘yun.

“But again, we made sure na ang pelikulang ito will not… the kids will not question their faith. It will just show na ang taong mabait ay hindi mo maimpluwensyahan, regardless… good will always prevail.”

Mga taping at shooting, dinamay ng Enteng!

Naapektuhan talaga ang mga taping at shoo­ting dahil sa patuloy na pag-uulan dala ng bagyong Enteng. May kasunod pa raw na bagyo.

Kaya hindi natuloy ang shooting ng Idol (The April Boy Regino Story) dahil big scene ang kukunan at maraming taong kasali.

Pero ang iba ay pinilit talaga nilang mag-shoot kahit may bahang pagdaanan at inuulan pa.

Itinuloy ang shooting ng Fatherland ng BenTria Productions at Heaven’s Best Entertainment.

Kahit nagbabagyo ay kailangan daw nilang ituloy dahil nakatakdang bumalik ng Amerika si Inigo Pascual. Kaya dapat na matapos nila ang mga eksena ng aktor.

Pati ang horror film na Espantaho ng Quantum Films ay tuloy pa rin daw ang shooting sa Pampanga kahit may mga baha malapit sa location. Mabuti at nairaos naman daw nila.

Kahapon ay maraming mga pelikulang nag-showing sa mga sinehan, pero ang sabi ng aming source, wala nang sumunod na malakas pagkatapos ng Un/happy For You nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Kahapon din nagsimula ang 6th edition ng Sinag Maynila na nag-showing sa ilang sinehan.

Ang mga pelikulang kalahok ay What You Did, Her Locket, Salome, Maple Leaf, Dreams, Talahib, Banjo at The Gospel of the Beast.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with