^

PSN Showbiz

Noel Cabangon, Naka-graduate rin!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Noel Cabangon, Naka-graduate rin!
Noel Cabangon
STAR/File

Nakakatuwa at pati ang iginagalang na singer na si Noel Cabangon ay nagpursige at naka-graduate at tanggap lang ng kanyang degree sa Philippine Women’s University. Ilan pa kaya sa ating mga kasamahang artists ang nagsisikap para makatapos sa pag-aaral.

Ano na kaya ang update kina Sarah Geronimo at Sharon Cuneta na noo’y napabalitang may komunikasyon sa UP College of Distance Education?

Dagdag na inspirasyon ‘yan kung ang mga katulad nila ay magka­panahon din para sa pagtatapos ng kanilang edukasyon. No pressure!

Chair Lala, naging kontrobersiyal

Kontrobersyal ang naging pahayag ni MTRCB Chair Lala Sotto na parang napangunahan na ang iba pang MTRCB body na magre-review pa ng pelikulang Dear Satan pagkatapos mag-submit ng letter for reconsideration ang mga producer ng pelikula.

Sinagot siya ng isang netizen ng, “Being offended as a Christian should never be considered sufficient grounds to restrict our right to create and express. It’s important to recognize that not everything revolves around our personal beliefs, lalo na kung ikaw ay parte ng pamahalaan.”

Dahil sa halos nagkasabay na isyu ng Dear Satan at ang documentary na Alipato at Muog ng Cinemalaya, lumutang ulit ang tanong ng mga kasamahan sa industriya ng pelikula kung kailangan pa ba talaga ang MTRCB? Bakit daw tila paurong ang mga prinsipyong isinusulong nito?

Mga kasali sa Sinag Maynila, kung saan-saan pinalalabas

Nag-premiere na ang ilang pelikulang lahok sa Sinag Maynila pero parang walang Sinag sa schedule nila sa ibang participating na sinehan at labis na naguguluhan ang mga tao kung saan at anong oras puwedeng habulin ang mga pelikulang kasali sa festival.

Paano kaya masosolusyunan itong patingi-ti­ngi na paglalabas ng cinema schedule sa festival na pinamamahalaan ni Direk Brillante Mendoza?

Direk Lav, kinabog si Direk Brillante

Ito’y nagaganap habang ang obra naman ng isa pang Filipino international director ang pinag-uusapan ngayon ay sa 81st Venice Film Festival. Naroon si Direk Lav Diaz at ang cast ng Filipino drama film Phantosmia, including Ronnie Lazaro and Janine Gutierrez. Kahit sa Fuori Concorso Fiction (Out of Competition) category ito ipe-premiere, ang tanong ng makukulit na netizens, sino ngayon ang mas bongga, si Direk Brillante Mendoza ba o si Direk Lav?

Vivamax actor Nico Locco, nagbebenta ng brief

Exciting ang isinulat ni Nico Locco na maraming nanghihingi ng mga underwear na ginagamit niya sa Vivamax kaya naisipan na niyang maglabas na lang ng sarili niyang line ng briefs.

Anong klase kaya ito at gaano kaya ka-revealing ito?

Speaking of Nico, hindi kaya siya nababahala na hindi na siya in the running as Vivamax King at pawang sina Victor Relosa at Benz Sangalang na ang pinag-uusapang contenders to the crown? O baka iniisip ni Nico na kina Victor at Benz na ang korona, at sa kanya na ang awards (na medyo humakot siya recently) pati na ang sales ng underwear if ever. Hehehe!

Pero teka, gaano naman ba ka-legit ang awards na ‘yun pala?

Nakakataquote:

Patakasin niyo na din si Quiboloy sa Indonesia, para mahuli din nila.

Buti pa itong Indonesia…

BITUIN ESCALANTE sa pagkakadakip kay Alice Guo

NOEL CABANGON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with