^

PSN Showbiz

Gabbi, naka-10 taon na!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gabbi, naka-10 taon na!
Gabbi Garcia

Ipinagdiriwang ni Gabbi Garcia ang kanyang ika-sampung anibersaryo sa show business.

Sa loob ng isang dekada ay na­ging aktibo ang aktres sa kabi-kabilang proyekto. “Being here is such a gift. It really is a gift to be able to inspire people, to have an impact. They keep me going all the time,” pahayag ni Gabbi sa 24 Oras.

Umaasa ang Kapuso actress na mas marami pang proyekto ang magawa sa mga susunod na taon. Ayon kay Gabbi ay ipagpapatuloy lamang niya ang pinakagusto niyang gawing trabaho. “I really enjoy hosting right now. I’ll be hosting more events, more big events soon. And  Sangre is still ongoing and katatapos lang naming i-shoot ‘yung Death March. More growth to come and to see these people grow with me. It’s so rare for people to stay loyal nowadays,” pagbabahagi ng dalaga.

AJ: ‘hindi po ako taun-taong buntis!’

Nakilala si AJ Raval dahil sa mga pelikulang nagawa sa Vivamax. Pansamantalang nagpahinga ang sexy actress sa trabaho upang ipagpatuloy ang pag-aaral. “‘Yung mga panahon na nawala ako marami rin akong nagawa. Nag-graduate ako, tinapos ko ‘yung high school ko. Nagpo-focus ako ngayon sa self-improvement. Parang gusto ko, gamitin ‘yung career ko, ‘yung influence ko in a good way. Maraming nakakilala sa akin bilang sexy star. Ang gusto kong i-promote sa sarili ko is ‘yung change. Lahat ng tao kayang magbago. Babalik ako, gusto ko ma-try lahat, comedy, drama. Kagagaling ko lang sa Viva, marami na rin kaming plans this year,” bungad ni AJ sa YouTube channel ni Julius Babao.

Hindi na raw nakikita ng dalaga na babalik pa sa pagpapaseksi sa mga gagawing bagong proyekto. Sisimulan ni AJ ang pagbabago sa sarili dahil gustong maging mabuting ehemplo para sa mga kabataan “Hindi kasi pwede na wala kang goal, dapat may goal ka. Pakita mo sa mga tao na maayos ka. Kumbaga hindi lang ‘yung sexy ‘yung gagayahin nila sa iyo. Health, exercise, quality time sa family, ‘yon ang gusto kong gayahin sa akin ng mga tao. Tumatanda tayo siyempre, ayaw mong gayahin ka ng mga kabataan ngayon. I’m not against sa pagpapa-sexy. Alam ko sa sarili ko na may mas magagawa pa akong mas maganda. Hindi siya para sa akin talaga,” paliwanag ng dalaga.

Napaiyak si AJ nang maalala ang naranasang online bashing mula nang naging kasintahan si Aljur Abrenica. “Na-bash kami nang sobra, buong Pilipinas nagalit sa amin. Lahat ng sinabi sa akin noon, nasaktan ako nang sobra, tumatag na ako ngayon. Pinakamasakit na sinabi sa akin, pati ‘yung family ko nadadamay. Sa tatay ko, sa nanay ko, sinasabi nila ‘Like mother, like daughter.’ Pati sila nadamay sa issue. Pinagkakamalan ako ng mga tao na ako raw ang naging third party. No, I’m really confident to say na hindi totoo ‘yon. Hiwalay na talaga sila may one year na rin yata.

“Then nakasama ko si Aljur sa shooting. Technically single siya. But siyempre iniisip ng mga tao may asawa kasi married pero single siya talaga no’n. Nagkakilala kami do’n, do’n na nag-start ang ligawan. Kinausap niya ‘yung parents ko, may time ka-video call niya ‘yung wife niya, okay naman. Parang, ‘Hi! Pasensya ka na.’ Okay naman, she’s nice, wala naman kaming naging problema. ‘Yung wife niya pinagtanggol naman nila ako at that time at na-aapreciate ko talaga ‘yon,” emosyonal na paglalahad ng aktres.

Napabalita noon na buntis diumano ang dalaga kaya tinalikurang pansamantala ang show business. Wala pa raw plano sina AJ at Aljur na magpakasal . “Napag-uusapan pero career muna ngayon. I-prioritize muna lahat ng dapat i-prioritize. Ayusin muna lahat nang dapat ayusin. I-secure muna lahat, then siguro pwede kami magsama. First of all, hindi po ako taun-taon buntis. Parang yearly na lang po akong buntis. Siguro po kung mabubuntis man ako ngayon, kung totoo man po, ako po ang pinakamasayang tao sa buong mundo,” nakangiting pahayag ni AJ. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with