^

PSN Showbiz

Paolo, ‘di priority sa kapuso?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Paolo, �di priority sa kapuso?!
Paolo Contis

Ang ganda ng station ID ng GMA na napanood ko. Kaya lang hinahanap ko si Paolo Contis dahil parang ‘di ko nakikita sa mga inilalabas nila.

Solid Kapuso pa naman si Paolo at compared naman sa iba, mas may premium siya.

Hahayaan ko na ito sa GMA dahil mas alam nila ang dapat gawin sa mga alaga nila. Nanghihinayang lang ako dahil alam ko ang kapasidad ni Paolo bilang isang aktor pero hindi siya nasasama sa mga serye.  Na napapansin na ‘yung iba naman ay suki.

Hintayin na lang natin baka may magaganda naman silang naiisip para kay Paolo.

Hindi naman reklamador si Paolo kaya wala kang maririnig mula sa kanya.

Basta naniniwala ako na you can never put a good actor down, magtatagal siya dahil talented siya.

Kaya wait ka lang Paolo, darating din ang tamang oras mo. Pero sana naman hindi na masyadong matagal dahil hindi ka na bumabata.

Ang naiisip ko lang, ba’t hindi nga ba siya binibigyan ng teleserye samantalang in all fairness sa kanya, ang dami niyang magagandang pelikula?

Sa totoo lang, isa siya sa mahal kong alaga dahil napaka-loyal at walang pakialam sa mga sinasabi ng iba.

Totoo na madalas ko siyang ilaglag sa mga chikahan pero ganun lang naman ‘yun, pagpapakita ko lang ‘yun ng pagmamahal sa kanya.

Charingggg. Hahaha.

vuukle comment

ACTOR

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with