^

PSN Showbiz

Female radio and TV personality, may male reporter na kakasuhan ng sexual harassment

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Sa patuloy pa ring pinag-uusapang isyu ng sexual harassment, inaabangan namin ngayon ay kung itutuloy ng isang female radio and TV personality ang pagsasampa ng reklamong sexual harassment laban sa male reporter na katrabaho niya.

Matagal na itong pinag-uusapan at ang latest ngang narinig namin ay tinanggal na raw sa kumpanya nila itong si male reporter.

Pero dahil umiinit ang isyu ng sexual harassment, baka mag-file na raw ng reklamo si female radio and TV personality.

Tingnan natin kung isasama pa ito sa pag-uusapan sa susunod na Senate hearing ng Committee for Public Information and Mass Media ni Sen. Robin Padilla.

Catriona at mga magulang ‘di pa nakakaalis ng London

Ang latest na nasagap namin tungkol sa kalagayan ni Catriona Gray sa London ay hindi pa raw nakaalis doon ang Miss Universe 2018 kasama ang magulang niya.

Nakakuha na raw ng temporary Philippine travel document si Catriona, at ang magulang naman niya ay nakakuha na rin ng Australian passport.

Hindi lang natiyak ng aming source kung bibiyahe sila pa-Australia, pero nagawan naman daw ng paraan. Pero malabo na raw matunton ‘yung nagnakaw sa kotse nila o maibalik ang mga ninakaw na gamit, kasama ang kanilang passport.

Magsisilbing aral talaga ito sa mga nagbibiyahe na dapat laging dala ang mga importanteng documents, lalo na ang passport para maiwas sa ganitong problema.

Jayda, napakinabangan ang mga hugot sa ex

Keber sa ghost month! Inilunsad na noong August 30 ang bagong album ni Jayda na pinamagatang Sad Girl Hours.

Very personal kay Jayda ang bagong album niya na ang mga kantang nakapaloob  ay hango sa pinagdaanan niya sa kanyang lovelife.

Isa rito ay ang kantang Lumimot Sa ‘Yo na hugot sa kanyang ex-boyfriend.

Nakatulong ang sakit na pinagdaanan niya sa break-up noong 2022. Hanggang 2023 ay nabuo niya ang buong album, at may na-produce pa silang  short films sa album na iyun.

Proud parents sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza kung saan naging bahagi rin sa pagbuo nito si Dingdong. “Bata pa lang si Jayda, pagdating sa pagsulat ng songs….siyempre, songwriter din ako, she would turn to me pag meron siyang mga times na medyo nagkakaroon siya…nag-stuck siya somewhere, binibigyan ko siya ng guidance and all.

“But for this album, alam kong espesyal sa kanya to. And ako, para sa akin, natutuwa ako…I’m very grateful na she allowed me to be part of the process at saka in-allow niya ako na makapasok sa head space niya.

“You know for me, yung experience dun ahhh na ang anak mo yung kasama mo. Sa akin, it’s a very inspiring at saka enriching. Kasi minsan marami rin akong natutunan sa kanya, and vice versa naman no? Pero natutuwa ako kasi parang nakikita ko ang pag-grow niya as an artist. And as a Dad, I’m very very proud of her,” sabi ni Dingdong

Sabi naman ni Jessa; “So, nandiyan lang kami for advice. Pero hinahayaan namin siya na pagdaanan niya talaga bawat journey dito sa industriya na ito, at sa buhay din niya. Kumbaga, way din yun para hayaan mo siya matuto sa buhay.”

Ang hangad lang ni Jayda na sana marami ang ma-inspire sa kanyang Sad Girl Hours album, dahil lahat naman ay nakaranas ng kabiguan sa pag-ibig.

“Several people naman yung nag-inspire dito sa short film na ito. Pero ang masasabi ko po, honestly like the song really speaks for itself,” sabi ni Jayda.

“Regardless of how people may interpret the short film, I really do wanna see… wish the people who inspired this experience is the best,” dagdag niyang pahayag.

vuukle comment

HARASSMENT

LAW

TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with