^

PSN Showbiz

Sagrado... actor, nag-uwi ng P1 ,milyon

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sagrado... actor, nag-uwi ng P1 ,milyon
Emilio, Pamiia Stars, Luis Manzano at Negi
STAR/ File

Wagi bilang pangalawang Rainbow Rumble master ang Pamilya Sagrado star na si Emilio Daez matapos mapanalunan ang tumataginting na P1,062,000 noong Sabado (Agosto 24).

Maswerteng nakuha ni Emilio ang anim na unique colors sa jackpot round na Rainbow Reveal, dahilan upang maiuwi niya ang P1 milyong papremyo.

“I cannot believe it, sobrang saya. I’m lost for words grabe, hindi ko alam kung ano ‘yung nararamdaman ko pero sobrang saya,” Emilio said.

Sa elimination round na Rally to the Top, nanalo na rin si Emilio ng P62,000 matapos niyang maunahan ang kapwa cast members at rumblers na sina Kyle Echarri, Grae Fernandez, Jeremiah Lisbo, at Daniella Stranner

Nadagdagan rin ng dalawang segundo ang oras ni Emilio sa jackpot round matapos niya masagot ang isa sa anim na rapid rumble questions. Sa loob nga ng 49 segundo ay nakuha niya ang lahat ng unique colors para manalo sa game show. Tinanghal na pangalawang milyonaryo sa Rainbow Rumble si Emilio matapos ang pagkapanalo ng mamamahayag na si Raphael Bosano.

Noong nakaraang Linggo (Agosto 25), sinubukan naman ng mga LGBTQIA+ pageant queen na sina Anne Patricia Lorenzo, Matmat Centino, Mitch Suansane, Sashi Esmeralda, at Ralph Romero ang kanilang suwerte sa programa. Napagtagumpayan ni Anne talunin ang kapwa pageant queens sa elimination round ngunit kinapos siyang makuha ang anim na unique colors upang manalo ng jackpot prize. Gayunpaman, nag-uwi pa rin siya ng P82,000 na napanalunan niya sa elimination round.

Napapanood ang Rainbow Rumble tuwing Sabado at Linggo, 7:15 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z, at 8:15 p.m. sa TV5.

vuukle comment

LUIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with