^

PSN Showbiz

Korina at Pinky, nag-tandem

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Korina at Pinky, nag-tandem
Pinky at Korina Sanchez.
STAR/ File

Ah sa Sept. 9 na pala ang major television debut ng Bilyonaryo News Channel at ang kanilang lineup para sa anchor desk ng primetime newscast na Agenda. Ang programa ay pangungunahan ng mga de-kalibreng broadcast news anchors —ang Agenda Setters na sina Korina Sanchez-Roxas and Pinky Webb.

Naunang inihayag ang pagbabalik sa news anchoring ng award-winning journalist na si Korina Sanchez-Roxas, na ang huling naging newscast ay halos may isang dekada na. Si Korina ay isa na sa mga haligi ng broadcast journalism sa bansa at ang Agenda ay patuloy na sasandig sa kanyang diretsong istilo ng pagtatanong sa mga stakeholder tungkol sa iba-ibang isyu na nakakaapekto sa bansa bilang pangunahing agenda ng programa.

Makakasama sa newsdesk ng programa ang kinikilalang broadcast journalist na si Pinky Webb. Si Pinky ay may tatlong dekadang karanasan sa industriya ng pagi­ging anchor sa iba’t ibang programa para sa major news channel. Si Pinky ay kilalang mapapagkatiwalaan at may kalmadong pagbabalita na hahatak sa mga manonood para dalhin ang kanilang atensyon sa mga pangunahing isyu at balita.

Bahagi rin ng Agenda si Jam Alindogan, na isang internationally-acclaimed correspondent at co-founder ng aid organization na Sinagtala. Si Jam ang magiging Foreign Affairs Editor ng channel na responsable sa lingguhang special report tungkol sa mga mahahalagang isyu sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito ay araw-araw matutunghayan sa primetime newscast mula 6 p.m. hanggang 7 p.m.

Ito ay ay available sa free-to-watch television channel na BEAM TV 31 (sa pamamagitan ng mga digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, at Naga), gayundin sa pangunahing cable TV provider na Cignal Channel 24. (SALVE V. ASIS)

vuukle comment

KORINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with