Catriona Gray na-trauma, nanakawan sa London!

Catriona Gray

Na-trauma si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa nangyari sa kanya sa London.

Sa kanya ngang Instagram story kahapon ay ipinakita niya ang photo ng sasakyan nilang ninakarawan habang siya at ang kasama ay nasa isang restaurant.

“Robbed in the middle of London, whilst stopping for lunch on the way to the airport. Our passports and belongings—gone,” sabi niya sa caption.

Dagdag niya “Traumatized,” na may kasamang crying emoji.

Basag na bintana sa likuran ng kotse pagkatapos ng insidente ng pagnanakaw ang makikita sa kanyang photo.

Wala siyang ibang ibinigay na detalye pero obviously nang bumaba sila ng sasakyan, iniwan nila ang mga kagamitan nila sa kotse kasama na ang bag na may passport kaya natangay ito.

Bago ang post na ito ay ipinakita ni Catriona sa mga nauna niyang post ang pagkakaroon niya ng quality time sa kanyang mga magulang sa United Kingdom.

Nagkaroon pa sila ng roadtrip ‘from London through Scotland and back’ sabi niya sa isang post.

Binalikan din nila ang hometown ng kanyang ama sa Scotland na first time nilang ginawa since mag-immigrate ang ama sa Australia.

Aniya sa post  “Edinburgh, you have my heart.

It’s my first time in Scotland and my dads first time back to his homeland since he immigrated to Australia at the age of 7 back in 1952.  And it’s like I’m discovering right alongside him - our heritages and family history.  I’m so grateful to be able to do this trip with him.”

Anyway, ever since napabalitang wala na sila ng actor na si Sam Milby ay walang narinig sa dating beauty queen at maging sa actor.

Pero mapapansin sa kanyang mga post na mas naging abala siya sa pagbiyahe sa ibang bansa.

Anyway, habang sinusulat namin ito ay wala pa siyang update kung nakaalis na sila ng London since wala nga silang passport.

Matagal ang proseso sa pagkuha ng temporary passport sa ibang bansa.

Show comments