^

PSN Showbiz

Jhong, pulos pasasalamat!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jhong, pulos pasasalamat!
Jhong Hilario

Noong Huwebes ay nakapagtapos na si Jhong Hilario ng kanyang Master’s Degree with highest merits in Public Administration. Malaki ang pasasalamat ng It’s Showtime host sa eskwelahan at mga naging guro na nakatulong sa kanyang mapagtagumpayan ang pag-aaral. “Gusto ko lang magpasalamat sa World Citi Colleges dahil ‘yung katulad natin na busy, nabibigyan ng pagkakataon na matuto rin. Matuto na ipagpatuloy ‘yung pag-aaral, thank you so much. And of course, gusto kong pasalamatan ‘yung mga prof ko,” paglalahad ni Jhong.

Nakapagtapos ang aktor na Cum Laude sa kursong Political Science noong isang taon sa Arellano University. Nagsisilbing inspirasyon kay Jhong ang pamilya kaya mas pinagbubutihan pa ang lahat ng mga ginagawa.  “Ang inspirasyon ko sa buhay ay ang aking pamilya. Si Maia, si Sarina ang aking prinsesa. And of course, my Hilario family and It’s Showtime family, maraming salamat sa suporta n’yo. Minsan umaalis ako sa rehearsal dahil nag-aaral, salamat sa pag-intindi,” dagdag niya.

Bukod sa pagiging aktor ay abala rin si Jhong bilang isang konsehal sa Makati. Lubos ang pasasalamat ng It’s Showtime host sa kanilang alkalde sa lungsod dahil sa paggabay nito sa kanya. “Of course kay Mayor Abby na pinu-push kami maging better. Mara­ming salamat sa aming mahal na mahal na mayora Abby Binay. Ang mayora namin magaling,” pagtatapos ng aktor.

Lovely, natupad ang dasal

Masayang-masaya si Lovely Abella dahil napabilang sa pelikulang Hello, Love, Again na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Matatandaang isa si Lovely sa mga nakatabaho noong 2019 ng tambalang KathDen sa Hello, Love, Goodbye. Ayon sa dancer-actress ay natupad ang kanyang ipinagdasal na makatrabahong muli sina Kathryn at Alden. “As in pinagpi-pray ko na sana makasama pa rin ako sa movie. Pero if ever man na hindi, I understand. Kasi siyempre nagbabago ang kwento. Pero ‘yung feeling na nando’n ako sa simula, praise God na nakasama ako do’n sa simula. Nag-inquire sila (production staff) ng available date ko,” nakangiting pahayag sa amin ni Lovely sa Fast Talk with Boy Abunda.

Matatandaang ginampanan ng aktres ang karakter ni Gina Mariquit sa naunang pelikula. Malaki umano ang paghanga ni Lovely kina Kathryn at Alden bilang mga alagad ng sining. “Grabe! Unexpected na si Kath na sobrang sikat pero ‘pag nakausap mo, hindi mo napi-feel na alam mong super humble. Walang naging problema kasi pareho sila ni Alden. Si Alden, Mas una kong nakilala eh. Maganda talaga ‘yung relationship namin ni Alden. No’ng time na pumasok si Kathryn, grabe! Mayroon pala talagang ganitong artista,” kwento ng dancer-actress. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTOR

JHONG HILARIO

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with