Wendell, ingat magkomento sa sexual harassment
Kasali pala si Sandro Muhlach sa bagong afternoon drama ng GMA 7 na Shining Inheritance.
Lumabas ang pangalan niya sa sa isa sa mga supporting cast. Hindi lang naipaliwanag kung ano ang role.
Hindi ito naitanong sa media conference noong nakaraang Biyernes, at wala doon si Sandro.
Siyempre, hindi naman puwedeng isama siya sa mga main cast na humarap sa media at baka sa kanya na naka-focus ang buong mediacon.
Tinanong ko ang Executive Producer nitong afternoon drama kung ano ang role ni Sandro at kung may mga eksena pa ba siyang kukunan, pero hindi ito sumagot.
Sabi ng handler ng Sandro, sa pagkakaalam daw niya ay meron pang taping ang aktor para sa serye, pero hindi lang daw siya sure kung babalik pa ba siya sa taping.
Sabi kasi ng director nitong si Jorron Lee Monroy ay mga two to three taping days pa raw sila.
Sabi naman ng ilang taong malapit sa aktor, gusto na raw nitong bumalik sa trabaho.
Maganda nga namang makabalik na siya sa trabaho, para kahit paano ay makakatulong ito para makalimutan ang trauma na pinagdaanan niya sa iskandalong kinasangkutan nito.
Samantala, sobrang protektado ang buong cast ng Shining Inheritance sa media conference nito noong Biyernes.
Nasa main cast nito sina Coney Reyes, Kyline Alcantara, Kate Valdez, Paul Salas, Michael Sager at kasama rin sina Wendell Ramos, Aubrey Miles, Roxie Smith, Charuth at Seth dela Cruz.
May kanya-kanyang isyu ang karamihan sa kanila, pero naiwas sila sa mga gustong itanong ito sa kanila.
Siyempre, namili lang kung sino ang puwedeng magtanong sa question and answer portion, at pagkatapos nito ay hindi na sila iniharap sa media para mag-one-on-one interview.
Mabuti at napagbigyan kami ni Wendell Ramos na makatsikahan namin.
Talagang nabuo raw ang closeness nila sa taping dito kaya nakikita namang kampante silang lahat sa production staff.
Tinanong namin kung naapektuhan ba ang maganda nilang samahan sa set dahil sa isyu nitong kay Sandro at ang dalawang independent contractors.
Ang sabi kasi ng ibang staff, umiiwas na sila ngayong makipag-close sa mga artista para hindi mangyari sa kanila itong kina Sandro at Jojo Nones na tila magkaibigan talaga silang dalawa.
Sabi naman ni Wendell, wala naman daw ganung ilangan na. Talagang naging close lang daw sila, at hindi naman daw nila ito pinag-uusapan sa set.
“I don’t know…hindi ako makapag-comment kung normal ba nangyayari.
“There’s a possibility na siguro nagkakaroon na ng ano… just to lessen the ano. Alam n’yo naman ‘yung mga nakikita, makikita mo sa social media, lahat ‘yun puwede nang i-report. I’m not saying na pangit ‘yun, pero siguro in one way… siguro there’s a reason ‘no? Pero regarding on the issue right now, no comment talaga dun,” pahayag ni wendell.
Maingat si Wendell sa mga sagot niya dahil mga kaibigan daw niya ang involved sa iskandalong ito, at co-actor pa niya rito sa Shining Inheritance si Sandro Muhlach.
“Sabi ko nga, baka may mga sitwasyon lang ngayon… ang hirap kasi mag-comment. Very sensitive ‘yung part ng mga issue ngayon ‘no? Hindi ako pupuwede… parehong mga kaibigan ko lahat. I’m just praying na sana maayos lahat.
“Hindi ko sinasabing sana balewalain. I don’t wanna comment on that side kasi lahat sila kaibigan ko. Sana lahat maging maayos.
“Tulad ng sinabi ni Tita Coney (Reyes) kanina, sana lahat tayo magmahalan, sana lahat tayo? kung ano man ‘yung naging problema, sana maayos,” saad ni Wendell Ramos.
- Latest