Aktres na dating iniisnab, biglang naging in demand

Dinadaan-daanan lang pala noon ang isang aktres na produkto ng rea­lity talent search.

Hindi pa nananalo that time si aktres. Pero madalas na siyang isama sa mga event at trade launch ng network.

Pilit nga siyang pinapa-interview sa TV at media pero tinatanggihan dahil hindi pa kilala, huh!

Pero nung makakuha ng puwesto sa talent search na sinalihan, naging bongga ang career ni aktres. Syempre naging mabenta sa TV at pelikula.

Eh kahit in demand na, marunong ang aktres sa TV at media na dati ay iniisnab-isnab ang presence niya!

So sa tuwing makikita ang aktres ng TV at media, nag-uunahan pa silang kausapin ang aktres lalo na’t marunong na ring mag-share ngayon ng biyaya ang aktres!

Singing contest, sabay-sabay ang launching

Back to back ang singing competition na ilalabas ng GMA Network this month of September.

Nariyan ang bagong season ng The Clash at ang bagong The Voice Kids.

But come to think of it. May singing competition ang TikToClock at ang It’s Showtime. Ganoon ba karami ang magaling na singers sa bansa para lumago ang bakbakan sa kantahan?

Sabagay, last quarter na ng 2024. Usually raw, madalang na ang pasok ng advertisers sa TV. Eh hindi masyadong magastos ang singing search kumpara sa teleseryes, kaya ito ang isinasalang sa free TV!

Show comments