Sen. JV, ayaw sumawsaw sa imbestigasyon kay Sandro

Sen. JV Ejercito.
STAR/File

Unofficially single na pala si Sen. JV Ejercito.

Hinihintay na lang nila ang resulta ng annulment nila ng now ex-wife niyang si Ms. Cindy Hyacinth Lotuac.

Four years na silang hiwalay at nanatili naman daw silang friends.

Pero ayaw magbigay ng details ni Sen. JV tungkol dito.

Basta happy raw siya at walang sagot kung totoong may girlfriend na siya na isang vegetarian.

Samantala, ayaw makisali ni Sen. JV sa Senate investigation sa sexual harassment na kasalukuyang pinag-uusapan.

Pakiramdam daw niya ay maraming mas malaking isyu na pwedeng pag-usapan. “Hindi, kasi parang sa amin kasi there are more bigger national issues of national interest. Saka ‘yung ganung personal, sexual harassment ‘pag dumating sa mga very private na usapan parang ayaw mong pakinggan eh. Syempre kapag nasa Senate magiging political saka lalabas sa lahat. So hindi na lang ako – marami naman sila ru’n eh so, okay na rin ‘yun. Ayaw ko kasi pakinggan ‘yung mga ganun publicly,” paliwanag na senador na half brother ni Sen. Jinggoy Estrada na isa sa nangunguna sa pag-iimbestiga ng kasong sexual harassment ni Sandro Muhlach.

Isinalaysay nga ng anak ni Niño Muhlach sa pagdinig ng Senado kung paano siya minolestiya at tinuruan na gumamit ng iligal na droga ng mga umano’y umaabuso sa kanya.

Pinangungunahan nina Senators Robin Padilla and Jinggoy ng Senate Committee on Public Information and Mass Media ang rape complainant Sandro Muhlach hanggang nalantad na rin ang kuwento ni Gerald Santos.

Ayon sa dalawang aktor / senador may matibay na ebidensya laban sa GMA Independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz sa kasong sexual harassment.

Anyway, going back to Sen. JV, na nakasabay lang namin sa isang restaurant sa Greenhills kahapon, 48 lbs. na ang ipinayat niya.

At kita nga naman ang ebidensiya. Nawala na ang pagiging chubby niya.

“Well, nag-cycling ako nung pandemic. Nag-bike ako kahit sa work. Talagang for four years nagba-bike ako. So, I lost a lot. Pero lalong bumilis ‘yung weight loss ko nung nag-change na ako ng diet. Nag-intermittent fasting ako. And then, I cut down already on sugar, red meat. Wala na akong meat. Pork, chicken konti-konti, fish konti-konti. More on vegetable na. So, ‘yun. I lost a total of siguro 48 pounds na,” pagkukuwento niya sa naging journey ng pagpayat.

“Ika-4th year na ngayon. Pero I lost, siguro 2 years pumayat na rin ako. Pero ngayon, 4th year. Nag-vegetarian pa ako, semi-vegetarian pa ako. I lost some more. Mga 6 months pa lang naman ako. Lifestyle change talaga,” aniya na nung tanungin namin kung influence ba ‘yun ng new girlfriend niya ay tawang-tawa lang ang senador

So, ayan na ‘yung ideal weight mo? Or gusto mo pang pumayat?

“Siguro, 10 more pounds. Size 41 before ang waist ko, 34 na ngayon. Kasya na ako sa Zara at sa Uniqlo. Dati allergic ako dun eh. Hindi ako tumatapak doon kasi walang kasya. ‘Pag may Zara, Uniqlo hindi ako tumatapak kasi walang kasya sa akin. Tapos ngayon kasya na, from size 41, 34 na lang,” proud niyang kuwento

Plus size ka dati?

“From XXL to Large or sometimes medium pa,” dagdag niya pang kuwento sa amin nina PatP Daza, Leo Espinosa, Gorgy Rula and Bambbi Fuentes. Hindi nakarating sa nasabing lunch si Nay Lolit Solis.

Show comments