^

PSN Showbiz

Baguhang aktres napagkamalang anak sa labas ni Sen. Robin Padilla

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Baguhang aktres napagkamalang anak sa labas ni Sen. Robin Padilla
Sophie Ng
STAR/File

Kamukha ni Kylie

Napapagkamalang anak sa labas ni Sen. Robin Padilla ang upcoming actress na si Sophie Ng.

Sa presscon ng Sinag Maynila 2024 entry na Her Locket, nabanggit ito ni Sophie.

Sa totoo lang kasi, may hawig siya kay Kylie Padilla.

Lalo sa malayuan, parang magkapatid nga sila.

Gulat nga raw si Sophie na marami talagang ganung reaction.

“Actually, for some reason nung time na ‘yun nung nagti-taping kami sa Hinulugang Taktak nagulat na lang talaga ako ‘pagkasabi ni Direk (‘di niya binanggit kung para saang project) ng cut nagdumugan ‘yung mga tao. Tapos biglang sabi ko, hala anong nangyari like first time ko maka-encounter ng ganon na dumog,” umpisa niyang kuwento.

“Tapos sabi ko, anong nangyari so nakakatawa kasi talagang kinuha pa nila ako sa area kasi ang dami nang tao. Nilayo nila ako sa mga crowd. Tapos biglang sabi nung production manager namin na may nagkakalat daw na anak ako ni Robin Padilla sa labas. Tapos para akong nahiya sabi ko, hala sino kayang nagsabi nu’n.

“Kaya pala ‘yung mga tao nagsidumugan kasi akala nila anak ako sa labas. Sabi ko, grabe naman makagawa ng sabi-sabi or what,” kuwento pa ni Sophie sa amin after ng presscon ng Her Locket na naniniwalang may mahalagang lesson na matututunan ang manonood ng kanilang pelikula sa Sinag Maynila 2024 na dinirek ni J.E. Tiglao.

Nag-assume rin daw ang iba na baka kapatid nga siya sa labas ni Kylie.

“Sabi ko, it’s an honor. Parang nakakaloka ‘yung rumor kaya ayun pinagtawanan na lang namin after that.”

Ano mga project mo aside from Her Locket?

“Right now, may hinihintay po ako and currently nag-a-audition lang ako eh ng mga kung ano makita casting audition. Freelance lang po kasi ako eh, wala akong management or like naghahawak sakin.”

Pero nakagawa ka na ba ng mga teleserye?

“Movie po, Call My Manager. I remember parang ano yata sya. I’m not sure...”

Na hindi pa napalabas?

“Yes po. Saka GomBurZa po, andun po ako. Actually dapat sa GomBurZa production staff lang po ako kasi sabi ko rin sa mga kakilala ko sa prod na if ever you have projects sama ninyo ko kahit prod lang, hawak ng actors or what. Gusto ko rin mag-work as a prod, prod team. Tapos nung pagdating ko sa set ng GomBurZa sinabi, uy kailangan daw ng mestiza. Sige kunin na natin ‘to. Palitan ninyo ng damit. So pinalitan nila ako ng damit nu’n and nakasama ako sa film. Actually, fun and na-enjoy ko ‘yung experience ko sa pelikula.”

Excited naman siya sa pelikulang Her Locket.

“One thing they will learn is if you want to do something in life, do it. Don’t have second thoughts. Whether you’re young or old, just do what you want because you only live once, so grab everything you can.”

Produced by Rebecca Chuaunsu (na siya rin ang bida) Film Production, in cooperation with Rebelde Films, mapapanood din sa pelikula Elora Españo, Zoey Villamanca, Benedict Cua, Francis Mata, Jian Repolles, Tommy Alejandrino, Norman Ong, Nellie Ang See, Angela Villarin, Ashlee Factor, Matthew Seaver Choy, Roberto Uy Kieng, George See, Banaue Miclat, and Rolando Inocencio.

Ang Sinag Maynila 2024 ay nakatakda sa Setyembre 4 hanggang 8 sa Gateway, SM Manila, at iba pang kalahok na mga sinehan sa Metro Manila.

vuukle comment

AKTRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with