Dominic, lumipat sa bagong bahay

Dominic Roque
STAR/File

Ang bongga naman ng ex ni Bea Alonzo na si Dominic Roque na pinakita ang kanyang new home.

Ipinost niya ang litrato ng isang bahay na wala pang mga gamit at isang susi na may caption na “New home” at sinamahan ng hashtag na #RentingTheUnitAh na may laughing emoji.

Makikita rin ang pag-post niya ng mga litrato sa paglilipat ng mga kahun-kahong gamit at mga nakabalot na wall decorations.

Kinlaro niya nga na nagrerenta lamang siya dahil maaalalang pagkatapos nilang maghiwalay ng aktres ay na-link siya sa Dapitan Mayor Bullet Jalosjos at sa Quezon City congressman na si Bong Suntay.

Pero itinanggi ni Dominic ang tungkol sa “sugar daddy” niya at nagsalita rin si Jalosjos tungkol sa pagtira ni Dominic sa kanyang condo at nagbabayad daw ito ng upa.

Nagpaliwanag din si Suntay na magkakaibigan sila at nagkalapit dahil sa hilig nila sa motorsiklo kagaya rin nina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, at Kim Atienza na mga miyembro ng Euro Monkeys.

Ilang buwan na rin ang nakalipas na sinabi ni Dominic na ok na siya, masaya at abala sa kanyang negosyo, travel para sa kanyang social media content pagkatapos na maudlot ang engagement ng Widows’ War actress.

Inulan naman siya ng pagbati mula sa mga kaibigan at tagahanga niya at ang aliwalas daw tingnan ng bagon bahay nito. Bongga.

Mike Enriquez, naalala

Dahil panay na lang panonood ng TV ang ginagawa ko maghapon, napansin ko na ang ganda ngayon ng hairline at hairstyle ni Arnold Clavio. At maganda ang pagpayat niya.

Na-miss ko si Mike Enriquez pero mahusay naman ang pagbigay ng news ni Emil Sumangil. Very charming din siya on the air.

Basta type ko ang mga news program dahil ang dami mong makukuhang information. Saka dapat talaga everyday may malaman ka sa mga nagaganap sa paligid natin. Isang minuto lang puwede nang may mangyari kaya dapat meron tayong immediate knowledge ng mga nagaganap.

Show comments