Jennylyn, tengga pa rin!

Jennylyn Mercado
STAR/File

Madamdamin ang pag-alala ni Jennylyn Mercado sa birthday ng kanyang Mommy Lydia na sumakabilang buhay na. Sabi niya, “I feel so blessed that you are a part of my life. Hope you are having the best time up there. Sending my warmest best wishes to the sky. Happy Birthday Mommy Lydia.”

Teka, ano na nga ang nangyari sa status ni Jennylyn sa GMA 7? May bago na ba siyang project sa kanila? At ano na ‘yung kanta na dahil irerelease via Star Records, tuloy pa ba ‘yun? Ano na ang next moves sa career ni Jennylyn pala?

Ejay Falcon, naka-graduate

After 17 years, nakapagtapos na rin ang aktor at Oriental Mindoro vice governor na si Ejay Falcon at nakamit ang bachelor’s degree sa Political Science major in Local Governance sa ilalim ng CCAPS program o The College of Continuing, Advanced and Professional studies ng University of Makati. Ito ba’y online program?

Kung sakali, maganda rin ito bilang alternative lalo na sa mga may trabaho lalo’t hindi Manila -based at gusto pa ring makatapos ng pag-aaral.

Ipinakita nga ni EJ na we never stop learning, kaya magandang magamit niya ang kanyang natutunan sa pagiging mahusay na public servant. Paano naman kaya ang kanyang pagsasanay bilang mahusay na artista? ‘Yan siguro ang susunod niyang pag-aaralan.

Chloe, ayaw daw mag-showbiz

“No showbiz for me po... More on, I think, I’ll keep creating content,” ang sabi ni Chloe San Jose na jowa ng double Olympic Gold Medalist na si Carlos Yulo. Paano na kaya ang offer ng Vivamax na movie with Mark Anthony Fernandez? Paano na ang singing career? Sa content na lang ni Chloe lalabas ‘yun.

Paano kaya kung si Nanay Angelica Yulo ang offeran ng showbiz role or endorsements, ok kaya?

Xian, nagpapaka-artist

What now Xian Lim? Meron sIyang travel photo na nagpaka-artist na long hair at loose pants. Wala na ba siyang bagong project sa Kapuso network? Eh ang pagiging direktor na, nasaan na kaya?

Next step siguro ay siya na ang magpo-produce ng kanyang trabaho. Kaya naman niya, di ba? Wait and see tayo kay Xian!

Nakakataquote:

“Hindi pa ako artista noon ay may nakilala akong direktor na ‘binebenta’ ako sa producer. Sabay nananamantala din itong direktor na ito. Pilit humahalik. Kadiri. Nakakatakot.”

“Nagsumbong ako sa nanay ko pero parang wala lang sa kanya. Yun pala ay naaabutan siya.”

- Rita Avila, sa kanyang karanasan ng sexual harassment noong nagsisimula pa lang siya

Show comments