Kylie, makaka-first time kay Dennis!

Kylie Padilla
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagsimula na ang shooting ng Green Bones, ang entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 50th Metro Manila Film Festival.

Sa Instagram post ni Ruru Madrid, parang sila pa lang ni Dennis Trillo ang nasa shooting at kasama nila si director Zig Dulay.

Kaya walang naging pahinga si Ruru pagkatapos ng Black Rider. Nagti-taping din siya ng Sang’gre, at sa sunud-sunod na project, mapapadali nito ang pag-iipon nila ni Bianca Umali para sa kanilang future home.

Kasama sa cast si Kylie Padilla na sa kanyang IG, pinost ang poster ng movie at ang kanyang script ng movie at may caption na “Bucketlist check. #grateful #cinemalaya.”

Kaya lang, mali ang hashtag ni Kylie na #cinemalaya dahil hindi pang-Cinemalaya ang movie kundi pang-MMFF.

Anyway, first time yata makakatrabaho ni Kylie si Dennis at first time niyang maidirehe ni Zig, kaya nasabing bucket list check.

Juliana, dinamay sa galit kay Goma

Nadamay na naman si Juliana Gomez sa galit ng netizens kay Rep. Richard Gomez dahil sa Facebook post ni Goma sa sitwasyon ng trapik sa EDSA.

Nag-post kasi si Goma ng “2 hours in EDSA traffic and counting. From Makati, Ayala nasa SM Edsa pa lang ako up to now, Eh QC ang punta ko. 1 or 2 hours pa ba?

“Ilang bus lang ang gumagamit ng bus lane, bakit hindi buksan during heavy traffic para mas lumuwag ang traffic?”

Sa suggestion ni Goma na buksan ang bus lane ‘pag heavy traffic nagalit sa kanya ang tao, lalo na ‘yung mga sumasakay sa EDSA Bus Carousel ang mga nag-react.

Ang hindi manganda, idinamay na naman si Juliana sa galit ng tao. Pasakayin daw nila ng asawang si Lucy Torres-Gomez ng bus ang kanilang anak para ma-experience ang siksikan sa bus. Ang isa pang suggestion, si Goma mismo ang sumakay ng bus.

Kahit deleted na ang FB post ni Goma, sa Instagram account naman niya sumugod ang netizens para siya’y awayin.

Pero kaloka rin ang mga netizen, lahat may say sila. As if nagbibigay sila ng sustento sa mga pina-follow nila.

Show comments