^

PSN Showbiz

Jane, ‘di nape-pressure sa kasal!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jane, �di nape-pressure sa kasal!
Jane Oineza

Hindi naging hadlang sa relasyon nina Jane Oineza at RK Bagatsing ang pagkakaroon ng malaking agwat sa kanilang edad. Walong taon ang tanda ng aktor sa dalaga at ngayon ay apat na taon nang magkasintahan ang dalawa. “Hindi lang nasa age ‘yung experience in life or I guess ‘yung know­ledge natin or ‘yung sensibility as a person. Parang hindi lang ‘yon lahat nababase lahat sa age,” paliwanag ni Jane.

Maayos at masaya ang relasyon ng magka­sintahan sa mga nakalipas na taon. Para kay Jane ay malaking bagay na pareho silang hindi mahilig lumabas o gumimik ng aktor. “Kasi sobra rin ka­ming home buddies, like private talaga kami individually. So I think kaya nahahawa ‘yung as a couple din namin na private din,” giit ng dalaga.

Sa ngayon ay abala sa iba’t ibang mga proyekto sina Jane at RK. Ang trabaho muna ang pinagtutuunan ng panahon ng magkasintahan kaya hindi pa naiisip ang tungkol sa pagpapakasal. “I’m really happy sa tinatahak ng career niya ngayon, sa mga projects na nakukuha niya and parang we will get there din naman. Ngayon we just really want to focus on our career together, and also individually. And we’ll get there, parang no pressure. We just want to check muna our personal goals and ‘yung mga bucket list. Kasi parang for me to be comfortable getting married, starting a family, I need to be ma-close off ko muna ‘yung mga what ifs ko, ‘yung mga goals ko,” makahulugang pahayag ng aktres.

Gerald, may duda sa sarili

Magbibidang muli si Gerald Anderson sa isang bagong serye ng ABS-CBN. Gaganap ang aktor bilang isang law enforcer sa Nobody. Ayon kay Gerald ay talagang kaabang-abang ang naturang proyekto.

Sinisiguro ng aktor na makare-relate ang bawat manonood ng naturang serye. “This story mai-inspire kayo. Like it said ‘Nobody’ I think all of us feel na we’re nobody minsan sa mga buhay natin. We have doubts of ourselves, our situations kung kaya ba natin ito. So alam ko na maraming makaka-relate na ito, sa title pa lang,” giit ng binata. Reports from JCC

vuukle comment

JANE OINEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with